Cast Ng Marcos Film Maid in MalacaƱAng Halos Kumpleto Na

Sabado, Hunyo 11, 2022

/ by Sparkle

Usap-usapan ngayon sa social media ang pelikulang ginagawa ng Viva films patungkol sa pamilyang Marcos na may titulong "Maid in MalacaƱang" na idinirek ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap. 

Matatandaan na una ng kumalat online na ang rumored girlfriend ni Herbert Bautista na si Ruffa Gutierrez ang gaganap bilang si Imelda Marcos. Nitong nagdaang araw ay kumalat sa social media ang larawan nina Darryl Yap kasama sina Senator Imee Marcos at ang mga coach ng Viva para sa coaching ng naturang proyekto na aprubado na rin. 

Nais na i-portray sa pelikula ang nangyari sa loob ng MalacaƱang 3 araw bago maganap ang EDSA People Power Revolution 1, na naging dahilan ng pagkakaalis sa pwesto ng dating Pangulo na si Ferdinand Marcos Sr. na ama ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Maraming salamat sa aking Viva Entertainment family, to the del Rosarios, Tita June Torrejon-Rufino and to all my bosses! #MiM coming in July

Nagkaroon na rin daw ng final casting at may mga pasilip na larawan ang direktor sa kanyang facebook page na talaga namang pinag-usapan na ng mga Marcos Loyalist.

Si Cristine Reyes ang gaganap sa batang Imee Marcos sa pelikulang tatalakay sa buhay ng pamilyang Marcos.

Ang actress naman na si Ella Cruz ang gaganap na si Irene Marcos. 

Nauna na ring inanunsyo ni Darryl Yap na ang mag-amang si Cesar Montano at Diego Loyzaga ang gaganap para sa papel nina dating pangulong Ferdinand Marcos at batang Bongbong Marcos. 

Kwento ni Darryl, tatalakayin ng pelikula niyang Maid in MalacaƱang ang huling 72-oras ng pamilyang Marcos sa MalacaƱang noong Feb 1986 sa mata ng isang mapagkakatiwalaang source. Sekreto pa ang gaganap sa lead role pero ayon sa bali-balita ay pinagpilian sina Toni Gonzaga at Juliana para rito. Agad namang umani ng samu't-saring reaksyon ang proyekto ng Viva Films.

Komento nga ng isang netizens:




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo