Comeback Is Real! Kiefer Ravena at Alyssa Valdez Namataang Sweet Sa Isang Event! Nagkabalikan Na?!

Biyernes, Hunyo 24, 2022

/ by Lovely

Pinag-uusapan ngayon ang dating makarelasyon na sina Kiefer Ravena at Alyssa Valdez dahil namataan silang magkasama sa isang event.

Matatandaan na ginulat nila ang online world, nang inanunsyo nila ang kanilang hiwalayan matapos ang anim na taong relasyon. Sa kani-kanilang official statements, nilinaw nila na walang involve na third party at nakiusap sa publiko na huwag gumawa ng maling kwento.

Sa kabila ng break-up nila, nanatiling naka-follow sila sa kanilang social media accounts. Hindi tulad ng ibang break-ups, makikita na maayos ang kanilang paghihiwalay. Kaya naman, hindi kataka-taka na nakikita sila minsan na magkasama sa mga sports events.

Samantala, ang muling pagsasama nilang ito ay nagbigay kilig sa kanilang mga tagahanga. Sweet na sweet ang dalawa na tila walang break-up na nangyari. 

Ang kanilang sweetness sa event na ito ay umani ng samu't saring reaksyon mula sa kanilang mga fans. Komento ng ilan, na ang hiwalayang ito ay napaka mature di tulad ng ibang naghihiwalay ngayon taon na nagbabatuhan ng iba't-ibang isyu.

Dagdag pa ng iba, na tila walang naganap na break up at nagcool off lamang sila dahil pareho silang busy sa kani-kanilang sports.

Dahil sa muling pagsasama ng dalawang sports personalities na ito, umaasa ang kanilang mga fans na magkabalikan na sila.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo