Confirmed: Kasado Na Ang Contract Signing Ni Sarah Geronimo Bilang Isang Kapamilya

Huwebes, Hunyo 23, 2022

/ by Lovely

Usap-usapan nitong nagdaang mga araw ang tsismis tungkol sa diumano'y paglipat ni Sarah Geronimo sa ibang stasyon. Kumalat ito sa iba't-ibang social media platforms at nagtrending pa ito sa Twitter.

Marami sa mga Kapamilya fans ang nadismaya sa balitang ito at sinabihan pa si Sarah Geronimo na walang utang na loob, mukhang pera at kung ano-ano pang masasamang salita upang ibash ang Popstar.

Ngunit ngayon, kumpirmado na ang pagtanggi ni Sarah Geronimo sa GMA7. Hindi umano totoo ang balitang lilipat si Sarah sa ibang TV network. 

Ayon pa sa Facebook page na Kapamilya Online News, ang balitang ito ay matagal na nilang alam ngunit ngayon lamang nila ibinunyag. Dahil kinumpirma na ng isang mapagkakatiwalaang source ang pananatili ni Sarah sa ABS-CBN.

Mula noon hanggang ngayon, hindi umano sumagi sa isip ng Popstar ang paglipat sa ibang network. Kung saan una siyang nagkaroon ng exposure kahit wala siyang kontrata noon sa GMA Network. Isa pa, ang ABS-CBN at ang kanyang talent agency na Viva ang kanyang original na tahanan sa loob ng halos dalawampu't taon.

Sigurado umano na hanggang magwakas ang career ng Popstar sa showbiz ay tiyak na sa Kapamilya Network pa rin siya mapapanood.

Sabi pa niya, "Ang tunay na magkapamilya ay hindi nag-iiwanan."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo