Patuloy na bumubuhos ang pagpapala sa aktres, host, influencer at singer na si Toni Gonzaga. Matapos kumpirmahin ng team nina Bongbong Marcos na ito ang first choice ni PBBM para kumanta sa National Anthem sa darating na Inauguration ceremony ng uupong bagong Pangulo ng bansa.
Maraming Pilipino ang nag-aabang sa pag-upo ng bagong Pangulo ng bansa na si Ferdinand Marcos Jr.
Lalong naging controversial ang naganap na halalan dahil sa buong pagsuporta ni Toni Gonzaga sa kanyang ninong na si BBM sa kabila ng pambabatikos at pag-cancel sa kanya ng ilang mga kasamahan sa trabaho na ayaw rito. Isa ito sa naging dahilan ng pagresign ni Toni bilang main host ng Pinoy Big Brother.
Sa kabila nito, patuloy ang pagsuporta ni Toni kay Bongbong Marcos. Tila walang takot niyang hinarap ang mga nambabash at nagsasabing wala siyang utang na loob dahil sa pagsuporta sa UniTeam.
Ngayon, nasuklian ang mga paghihirap na naranasan noon ni Toni dahil siya ang napili ng uupong Pangulo na aawit sa ating Pambansang Awit sa Inauguration Ceremony nito.
Marami namans sa mga tagasuporta ni Toni ang natuwa sa balitang ito. Komento nila, deserve ni Toni ang tinatamasang recognition.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!