Nagbigay ng opinyon ang beteranang kolumnista na si Cristy Fermin tungkol sa viral interview ni Karen Davila kay Sen. Imee Marcos.
Kung saan tila pinapasaringan ng Senadora si Karen tungkol sa pananatili pa rin nito sa bansa kahit na si BBM ang nanalong pangulo.
Komento ni Cristy Fermin sa pagtatanggol kay Karen, may video ba umano ito kung saan sinabi nito namangingibang bansa kung ang mananalong presidente ay si BBM.
Sagot naman ni Romel na may nagpahatid umano na kapag si BBM ang mananalo, ay magma-migrate ito sa ibang bansa. Sagot naman ni Cristy upang ipagtanggol si Karen Davila,
"Ipinahatid lang? Mahirap namang paniwalaan 'yun."
Ayon naman sa mga netizens, may posibilidad na sinabi talaga ito ni Karen dahil marami naman talagang mga celebrities and personalities ang nagsasabi ng ganoon noon. Napansin rin ng mga netizens na hindi itinama ni Karen ang sinabi ng senadora sa halip ay tumugon lamang ito ng,
"Hoping for the best of our country."
Matapos kumalat ang video ay ipinaliwanag naman ni Karen Davila na hindi siya napikon kay Sen. Imee. Ibinahagi rin niya na humingi ng pasensya sa kanya ang nasabing Senadora pagkatapos ng kanilang interview.
Samantala, ayon kay Cristy Fermin na negative ang dating kapag nag-iinterview si Karen Davila. Sa halip na mabigyan ng support at palakasin ang loob minsan ay mas idinidiin pa nito at ipinapahiya.
Binalikan din ni Cristy Fermin ang interview ni Karen Davila kay Alma Moreno kung saan halos wala itong masagot.
Marami sa mga netizens ang naiinis kay Karen dahil sa umano'y pagpapahiya nito sa mga ini-interview niya. Mas marami umano ang pampapahiya kaysa sa pagbibigay suporta sa kanyang mga iniinterview.
Nadamay rin maging ang mga news anchor ng GMA7 na sina Mel Tiangco, Jessica Soho ay ilan pa. Kung saan na nakasimangot umano matapos makitang malaki ang lamang ni BBM.
Komento ng ilan na masyadong ipinapahalata ng mga ito na hindi sila pabor sa pagkapanalo ni BBM.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!