Dahil Sa Mga Hiwalayan! Maymay Entrata May Isiniwalat Sa Pagsasama Nila Ng Kanyang Boyfriend

Miyerkules, Hunyo 15, 2022

/ by Lovely


 'Toxic', ayon sa ilang mga netizens ang mundo ngayon ng ilang mga celebrity couples dahil sa sunod-sunod na mga hiwalayan ng ilang mga sikat na magkarelasyon.

Karamihan sa mga naghihiwalay sa mga ito ay dahil sa pagkakaroon ng third party at cheating. Marami ang naging emosyunal at nalulungkot sa mga pangyayaring ito.

Samantala, hindi naman napigilan ng aktres performer na si Maymay Entrata na magsalita matapos ang sunod-sunod na hiwalayan sa industriya ng showbiz. Isiniwalat ni Maymay ang isang bagay tungkol sa pagsasama nila ng non-showbiz boyfriend na si Aaron.

Sa simula pa lamang ng relasyon ni Maymay sa kanyang foreigner non-showbiz boyfriend, naging pasabog na ito para sa lahat. Lalo na't makikita sa mga larawang ibinabahagi ni Maymay ang pagiging caring sa kanya ng boyfriend.

After months of being together, kumusta na nga ba ang relasyon ngayon ni Maymay sa kanyang boyfriend? Sa kabila kaya ng sunod-sunod na hiwalayan sa mundo ng showbiz ay nananatiling matatag ang relasyon nila? O isa sila sa mga magkarelasyon na malapit ng magtatapos?

Sa isang interview kay Maymay Entrata, isiniwalat niya ang tungkol sa pagsasama nila ng kanyang boyfriend. Ayon kay Maymay, hindi siya nabo-bother sa mga issues at news na lumalabas ngayon. Dagdag pa niya na napaka-swerte niya sa kanyang nobyo. 

Lahat umano ng ipinagdarasal niya noon na makikita sa isang guy ay nasa kanyang boyfriend ngayon. Family-oriented din umano ito na talagang hinahanap niya sa isang lalaki. Napakamapagmahal at maalaga rin umano nito sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ang pinakamaipagmamalaki ngayon ni Maymay na hinahanap ng lahat, ay ang pagiging consistent sa kanyan ng kanyang nobyo. Araw-araw umano siyang napapamahal pa lalo rito.

"Ang maganda doon, kapag consistent ang tao, araw-araw kang mafa-fall. Hindi lang sa umpisa araw-araw talaga," pahayag ni Maymay.

Masaya rin si Maymay dahil ramdam niya na siya ang priority ng kasintahan. Masaya rin naman ang kanyang mga fans para sa kanya sa pag-ibig na natagpuan niya sa kanyang boyfriend.

Sa kabila naman sa sunod-sunod na lungkot dahil sa paghihiwalay ng ilang mga celebrity couples, may mga magkarelasyon pa ring nananatiling matatag at hindi bumibitiw sa pagmamahal para sa isa't-isa.

Hangad ng mga fans ni Maymay, na sana ito na ang lalaking makakasama niya panghabang buhay at sana hindi siya paiiyakin nito. Sana'y manatili rin ang consistency ng pagmamahal ng mga ito para sa isa't-isa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo