Sa kabila ng emosyunal na pinagdadaanan ng mga artista ngayon na nahihiwalay sa kani-kanilang mga partner. May ilang mga netizens na ginawa pang katatawanan ang pinagdadaanang ito ng karamihan ngayon sa industriya.
Mukhang kalat ngayon ang mga insensitive na tao na basta-basta na lang nagkokomento without knowing, kung ano talaga ang pinagdadaanan at nararamdaman ng isang tao.
Isa sa mga nakatanggap ng negatibong komento mula sa netizen ay ang aktor na si Jake Cuenca. Ito'y matapos nilang magkahiwalay ng aktres beauty queen girlfriend na si Kylie Verzosa.
Sa isang social media post ng aktor na si Jake Cuenca, isang netizen ang nagkomento at nagbigay ng kanyang pananaw tungkol sa pakikipagrelasyon nitong si Jake.
Ang komentong ito ay hindi ikinatuwa ng aktor. Sinabihan umano ng isang netizen ang aktor matapos mahiwalay kay Kylie, ay subukan na lamang umano ng binata na makipagrelasyon nalang sa isang lalaki. Dahil mukhang hindi nagwo-work lagi ang relasyon ni Jake sa mga babaeng nakakarelasyon niya.
Sayang umano dahil pang husband na ang personality at character nitong si Jake. Pero mukhang hindi umano ito sa babae nababagay dahil baka sa lalaki ito nababagay.
Sinabihan naman ng aktor ang netizen, na sa susunod na magkomento umano ito at makialam sa buhay ng iba ay maglagay ito ng picture para makilala ito.
Maging ang mga fans ni Jake Cuenca ay hindi napigilang mag-react tungkol sa komentong ito sa binata. Ayon ng ilan, huwag naman sanang umanong gawing katatawanan 'yung mabigat na pinagdadaanan ng isang tao.
Mag paligo po kayo
TumugonBurahin