Dahil Sa Pagkikita Ng Mag-ama! Ruffa Gutierrez Araw-araw Umiiyak

Huwebes, Hunyo 16, 2022

/ by Lovely


Hindi naitago ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang kanyang emosyon nang mapag-usapan kamakailan ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice at ang ama ng mga ito na si Yilmaz Bektas.

Sa isang segment ng noon show na It's Showtime, guest ang mag-inang Ruffa Gutierrez at Anabelle Rama. Dito hindi sinasadyang mabuko ni Anabelle Rama si Ruffa Gutierrez nang mapag-usapan ang tungkol sa mag-amang matagal na hindi nagkita.

Dito nabanggit ni Anabelle Rama ang mga apong sina Lorin at Venice na nakasama na ngayon ang amang hindi nakasama ng halos fifteen years. Sa tagal ng panahon na hindi nakita ng kanyang mga apo ang kanilang ama, ay dumating rin ang panahon na muli silang magkikita kita.

Samantala, napansin naman ng karamihan ang pagiging emosyunal ni Ruffa Gutierrez. Nahuli ang mismong pag-iyak ni Ruffa habang pinag-uusapan ang kanyang mga anak at ang ama ng mga ito.

Ayon sa kanya, nakakarelate siya sa usapin lalo na't nakasama ngayon ng kanyang mga anak ang ama ng mga ito. Masaya siya para sa kanyang mga anak. Lalo na't alam niya bilang ina na namiss na ng kanyang mga anak ang ama nila.

Sa pagkakataong iyon, tila hindi sinasadyang maisiwalat ni Anabelle Rama ang araw-araw na pag-iyak ni Ruffa Gutierrez. Simula nang magkita ang kanyang mag-aama.

Ayon mismo kay Anabelle, na itigil na umano ni Ruffa ang pag-iyak dahil halos araw-araw na umano itong umiiyak.

Hindi naman masisi ng mga netizens si Ruffa Gutierrez sa kanyang pagiging emosyunal dahil wala sa piling niya ang kaniyang mga anak.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo