Dahilan Ni Zeinab Harake Sa Pag Unfollow Kay Angelica Yap at Iba Pa, Ibinunyag Na!

Martes, Hunyo 7, 2022

/ by Lovely

Mahigit isang linggo na ang nakakaraan mula nang inun-follow ni Zeinab Harake ang magpartner na sina Angelica Yap na mas kilala bilang Pastillas Girl at Flow G.

Matatandaang, magkalapit lang ang mga bahay nina Flow G., Angelica Yap at Zeinab Harake. Marami ang haka-haka kung bakit hindi na naka-follow si Zeinab sa mga ito.

Ang tinuturong dahilan ng mga netizens ay dahil kilalang matalik na kaibigan ni Skusta Clee si Flow G. Sila na ang magkakasama simula pa noong nag-uumpisa pa lamang sila sa music industry.

Samantala, hindi lang naman sina Angelica Yap at Flow G. ang inun-follow ni Zeinab sa kanyang social media platform. Maging sina Camille Trinidad at Jayzam Manabat na mas kilala sa tawag na Jamill ay tila inun-follow na rin ni Zeinab noon.

Matatandaang, wala ang apat na nabanggit sa birthday ni Bia. Wala namang naging pahayag si Zeinab Harake kung bakit niya inun-follow ang mga ito noon.

Ngayon, sa kanyang social media platform nagbigay na siya ng pahayag kung bakit kinakailangan niyang mag-unfollow ng ilang mga tao sa kanyang buhay.

Ayon kay Zeinab, malaking tulong umano sa kanya ang mag-alis ng mga taong makikitaan niya ng hindi niya nais. Hindi naman  niya sinabi na may galit siya sa mga ito. Ngunit, ayon kay Zeinab ay kasama ito sa proseso ng kanyang pagmo-move on.

Narito ang kanyang kabuuang pahayag,

Maiba tayo ito totoo 'to laking tulong sakin mag alis ng mga taong makikitaan ko ng di ko gustong makita, lalong lalo na sa media gets nyo yun? 'Yung kahit wala kang galit at di sila damay pero kailangan mo umusad kasi iiwas ka sa mga bagay na pwedeng ikasakit mo pa. May time na almost 7 hrs. ako nag uunfriend nag uunfollow nagbubura nag-aalis ng kalat para lang masabe kong magiging okay ako at nag katotoo, di ko namalayan masaya nako nakakangiti nako nakakakilala nako ng ibang mga tao di na iisang mundo lang yung ginagalawan ko di na ako nakakulong at di na ako masasaktan ng iba. At ayun yung importante sakin ngayon yung PEACE ko di na yung sasabihin ng ibang tao kapag lumayo ako sa kanila dahil unang una mas kailangan ako ng mga anak ko at lalong lalo mas kailangan ko sarili ko para mas maging okay ako sa araw-araw and now I'm so happy and blessed na si Lord 'yung bestfriend ko sa kanya lang ako magsasabi at sa kanya lang ako araw-araw magpapasalamat dahil siya ang dahilan kung bakit andito pa 'ko sa mga anak ko.

Sa mga napagdaanan ni Zeinab Harake, tunay na marami siyang natututunan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo