Dani Barretto nakisawsaw na nga ba sa isyu ng kanyang kapatid na si Leon sa ama nitong si Dennis Padilla?
Matapos ang palitan ng post sa social media ng mag-ama na sina Dennis Padilla at Leon Barretto, nagbahagi ng makahulugang IG story ang panganay na anak ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto.
Ibinahagi ni Dani ang isang litrato na kuha mula sa isang pahina ng aklat na nagsasabing,
"No one will ever fully understand the internal battles you had to endure just to heal, just to grow, just to make it here today. Be proud of the way you fought to save yourself. Be proud of the way you survived."
Hindi naman malinaw kung konektado ba ito sa nagaganap na palitan ng post sa pagitan ng mag-amang Dennis at Leon. Matatandaan na nagsimula ito ng ibahagi ni Dennis sa kanyang Instagram na namimiss na niya ang mga anak dahil nakalimutan ng mga ito na batiin siya noong Father's Day.
Binura naman kaagad ito ng aktor, subalit may nakakuha na ng screenshots sa post at kumalat sa social media. Umani ng samu't-saring reaksyon ang nasabing post ni Dennis at may mga netizens na pinabash na ang mga anak nitong sina Julia, Claudia at Leon dahil sa paglimot umano nito sa kanilang ama.
Naglabas naman ng open letter si Leon at ipinaliwanag kung ano ang naramdaman nilang magkakapatid sa mga post na ito ng ama. Nagsabi rin umano si Marjorie kay Ogie na magsasalita siya hinggil sa isyu sa takdang panahon at nang maipaliwanag kung bakit ganoon ang trato ng mga anak niya sa ama nilang si Dennis.
Samantala, umani naman ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang IG story ni Dani. May nagsasabing umeepal ito kahit hindi naman anak. May ilan pang mga netizens na tila si Marjorie ang sinisisi kung bakit ganoon ang attitude ng mga anak, wala umanong respeto at kulang sa disiplina.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!