Dennis Padilla Kinaawaan ng mga netizens Dahil Dito, Yilmaz Bektas Swerte Daw sa mga anak

Miyerkules, Hunyo 22, 2022

/ by Lovely

Dennis Padilla muling kinaawaan ng mga netizens matapos makita ang kanyang post sa social media hinggil sa dalawa niyang anak na sina Julia at Claudia Barretto, na inisnab siya nitong nakaraang Father's Day.

Sina Lorin at Venice Bektas ay kinumpara ng mga netizens sa mga anak ni Dennis. Mapalad umano si Yilmaz dahil mabubuti ang kanyang mga anak at hindi nagtanim ng galit sa kanya.

Ngayong araw ay nagpost ng isang larawan si Dennis Padilla kung saan makikita ang dalawang magaganda niyang anak na sina Julia at Claudia Barretto. Sa caption, sinabi ni Dennis na miss na niya ang kanyang mga anak pero tila nagpahaging siya ng kunting hinanakit dahil hindi siya binati ng mga ito noong Father's Day.

Ayon sa post ni Dennis,

"Miss you both.. You forgot to greet me last sunday hehe! Love you.. God bless you more."

Dahil dito, kinaawaan ng mga netizens si Dennis at binati ng Happy Father's Day. May ilan naman na nagsasabing baka umano naging busy lamang ang kanyang mga anak kaya nakalimutan ng mga itong bumati.

Maging si Leon na nag-iisang anak na lalaki ni Dennis ay hindi rin bumati sa kanya.

"Leon you forgot to greet me last sunday hehe. Love you ingat."

Hindi ito ang unang pagkakataon na inisnab si Dennis ng kanyang mga anak. Maging sa kanyang mga nagdaang birthdays ay hindi rin siya binabati ng mga ito. Hindi naman siya nakakalimot sa pagbati sa mga ito sa kani-kanilang mga kaarawan gamit ang kanyang Instagram account. Ngunit hindi siya sinasagot ng mga ito kahit pa nakatag naman ang mga ito sa kanyang post.

Matatandaang noong nakaraang taon ay si Leon at step daughter na si Dani Barretto lang ang sumagot sa kanyang pagbati.



Noong October 2021, hinangaan ni Dennis ang mga salitang binanggit ni Ivana Alawi. Kung saan nagbigay ito ng advice sa mga anak na mahalin ang mga magulang at huwag hintayin na mawala ang mga ito. Ibinahagi ito ni Dennis sa kanyang social media na tila pagbibigay advice na rin sa kanyang mga anak na tila patuloy na lumalayo sa kanya.

Samantala, kaugnay ng balitang ito, hinangaan naman ng mga netizens sina Lorin at Venice dahil napakabuti umano nila sa kanilang ama kahit na matagal na panahon silang nawalay dito. Nitong nakaraang Father's Day, pinasaya nila ang kanilang Baba Yilmaz sa pamamagitan ng kanilang ibinigay na letters rito.

Ayon sa mga netizens, kaya umano ganito ang trato nina Lorin at Venice sa kanilang ama ay dahil na rin sa kung paano sila pinalaki ng kanilang ina na si Ruffa Gutierrez. Hindi umano ito nagtanim ng galit sa mga puso sa kanyang mga anak. Kahit pa masalimoot ang kanilang paghihiwalay.

Sina Lorin at Venice umano ang dapat tularan ng mga kabataan ngayon na handang magpatawad at magmahal sa kanilang mga magulang.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo