Detalye Ng Tangkang Pagk!t!l Ni Tom Rodriguez Sa Kanyang Buhay, Ibinunyag Na!

Martes, Hunyo 21, 2022

/ by Lovely


Detalye ng pagtangkang pagpapakamatay ni Tom Rodriguez ibinunyag na?

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan sa social media ang hiwalayan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Matapos ihayag ng aktres ang kanyang saloobin at ang tila dahilan kung bakit pinili niyang wakasan ang relasyon nila ng mister.

Isa ito sa naging topic sa latest vlog ni Ogie Diaz. Ayon sa isang source umano ni Ogie Diaz, ang main concern umano ng aktres kaya nagdesisyon itong itigil ang kanilang relasyon ay dahil sa mental state ni Tom.

Noong una, ay nagsuggest ito kay Tom na magpakonsulta sa doctor upang maayos ang kanyang mental health. May pagkakataon rin umanong muntik nang wakasan ni Tom ang kanyang buhay. 

Bukod pa rito, ayon sa mga usap-usapan na naririnig ni Ogie, kapag nagagalit umano ang aktor ay nananakit ito.

Pinabulaanan naman ito ni Tom matapos lumabas ang mahabang pahayag ni Carla Abellana. Ayon dito, ni minsan hindi niya pinagbuhatan ng kamay ang asawang si Carla Abellana.

Sa kabila nito, tanong naman ni Mama Loi kung ganito naman pala ang ugali ni Tom, bakit pinakasalan pa ito ni Carla?

Reaksyon naman ni Ogie, umaasa umano si Carla na magbabago pa si Tom kapag nakasal na sila. Nakita din umano ni Carla na talagang seryoso si Tom sa pagpapakasal nila. Dahil pinag-iipunan umano ni Tom ang kasal at pagpapatayo nila ng bahay.

Samantala, napag-usapan din sa vlog nila ni Ogie ang sinasabing 24 million ni Tom na biglang naglaho dahil sa panloloko ng isang kaibigan. Matatandaang, matapos magsalita ni Carla Abellana sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Tom naglabas naman ng official statement si Tom.

Ipinost ito sa Facebook account ng kanyang manager na si Popoy Caritativo. Hindi na idinetalye ni Tom ang dahilan ng kanilang hiwalayan. Ang totoong may alam lamang umano nito ay sila lamang dalawa ng aktres.

Nagpasyang pumunta sa America si Tom upang makasama ang kanyang pamilya matapos siyang palayasin ni Carla. Aminado din umano siya na hindi perfect ang relationship nila ni Carla ngunit alam niyang minahal nila ang isa't-isa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo