DETALYE sa Kayamanan na MAMANAHIN ng mga Anak ni Ruffa Gutierrez kay Yilmaz Bektas! Nakakagulat!

Huwebes, Hunyo 23, 2022

/ by Aya Browse

 

Isang magandang early birthday gift nga na maituturing ang naganap sa pagitan ng mga anak ng "actress beauty queen" na si Ruffa Gutierrez sa kanyang Turkish ex-husband na si Yilmaz Bektas. 

Sa loob ng mahigit isang dekada, nagkaroon na rin ng pagkakataon na magkita ang mag-aama nang sila ay lumipad at magtungo sa Turkey. 

Sa kanilang mini reunion ay nakasama nina Lorin at Venice ang kanilang half-sister na si Ilknaz Bektas, anak ni Yilmaz sa kanyang ex-finace na si Selen Gorguzel. 


Malapit na nga ang birthday ni Ruffa sa June 24 habang si Yilmaz naman ay sa July 19 ipagdidiriwang ang kanyang kaarawan. Isang magandang pagsasama nga ito ng mag-aama matapos na mapagkasunduan nina Ruffa at Yilmaz na parehong maging magulang sa kanilang mga anak at ayusin ang pagcoco-parent nila.

Ibinahagi ni Ruffa ang isang Tiktok video na ipinost din niya sa kanyang Instagram, ang nakakaantig na sandali kung saan makikitang binati ni Yilmaz sina Lorin at Venice sa muli nilang pagkikita bago sila nagyakapan ng mahigpit sa isang airport sa Istanbul Turkey. 


Nilagyan ito ni Ruffa ng caption na "The greatest love story of all time is between a father and his daughters. A beautiful and heartwarming reunion after 15 years of being apart." 

Kasama ang hashtags na new beginnings at together again. Ginusto rin nito na magkaroon ang kanyang mga anak ng isang makabuluhan, hindi malilimutan, at masayang paglalakbay. 

At sinabi rin na kumuha sila ng mga litrato at videos para sila ay mayroong souvenir ng kanilang reunion.
 
Taong 2007 nang umalis sa poder ni Yilmaz ang kanilang mga anak, nag-desisyon ang mga ito na sumama at tumira kasama ang kanilang ina. 

Maraming nag-akala na kasama si Ruffa sa biyahe ng mga anak papuntang Turkey, subalit hanggang airport lang nito inihatid ang mga bata noong June 10, 2022. 

Pinigilan kasi ng ilang mga tao si Ruffa sa takot na hindi na ito makabalik ng bansa. May naka-linya pa kasi itong mga trabaho, at kung ito ay sasama kina Lorin at Venice baka maantala lamang ang schedule nito. 

Kay Ruffa na mismo nanggaling na hindi siya sasama sa mga anak upang mabigyan ng mas mahabang bonding time ang mag-aama.
 
Ikinwento naman ni Ruffa na noong makumpirma ang bakasyon ng mga anak nito sa Istanbul, nagsimula na rin ang mga kamag-anak ni Yilmaz na makipag-communicate sa magkapatid. 

Umaasa rin ito na mag-eenjoy ang mga anak sa kanilang bakasyon at hindi naman nagsalita ng tapos si Ruffa tungkol sa kanyang hindi pagsama dahil baka raw ito magpunta doon bago matapos ang taon. Subalit hindi pa siya sigurado rito. 

Hindi pa man nasisigurado ni Ruffa ang kanyang pagbabakasyon sa Istanbul, ang isang bagay na sigurado ay ang mamanahin ng mga anak nito mula sa kanilang ama. 

Ayon kasi sa aklat ng pamilyang Bektas, sila ay nagmula sa pamilya Botan. Ang kanilang pamilya ang pangalawa sa pinakamalaki sa mundo, kasunod ng Sheikh family ng Saudi Arabia. 

Isang businessman si Yilmaz bago pa nakilala ni Ruffa noong nagta-trabaho ito para sa Century Productions na siyang magka-cover ng Cannes Film Festival. 

Andoon sa syudad si Yilmaz para bumili ng isang yate. Sabi ni Ruffa na ang business ni Yilmaz ay nasa petrolyo, konstruksyon, komunikasyon, at pangangalakal. 

Kaya naman noong mga panahong iyon ay kinakailangan nito na siya ay nakabase sa New York dahil malapit ito sa Europe, London, Turkey, at Middle East, kung saan naka-sentro ang kanyang mga negosyo. 

Kaya rin naman nagkaroon sila ng ilang bahay sa iba't ibang parte ng mundo, isa sa Istanbul, isa sa London, at isa sa New York. 

Hindi naman maiwasan na masangkot noon sa issue ang ama ni Yilmaz na si Muhittin BektaÅŸ, nang lumabas ang balitang ang kanyang mga bank accounts na may malalaking deposito ay na-freeze dahil sa di umano'y pagkabigo nitong i-declare ang nasabing halaga. 

Dalawang taon naman nagpatuloy ang paglilitis para rito at dahil sa pangyayari kung ano na ang naisulat tungkol sa kanyang ama at hinuhulaan na ang malaking halaga ng pera ay maaaring nakuha nito mula sa hindi patas na mga deals tulad ng ginto, brilyante, armas, droga, at pagpupuslit ng langis. Subalit mali ang lahat ng balitang ito.


Yilmaz Bektas studied at the College TED in Turkey and graduated from an American University School of Political Sciences with a Bachelor of Science and Economics and he received his master studies from the University of Richmond in UK. 

Sa pagitan ng 2004 at 2019, nagsilbi siyang diplomat bilang permanent under secretary of ministry na responsable para sa ekonomiya. 

Taong 2000 nang iparehistro ni Yilmaz Bektas sa Istanbul Tax Office ang kompanyang Intel Group. Dito nagsimulang mabuo ang kompanya at ang una nitong itinatag ay may kinalaman sa construction industry hanggang sa lumawak na ito mula sa enerhiya, industriya ng pananalapi, medya, torismo, petrolyo, import and export diamond, at alahas, sa nakalipas na dalawamput-dalawang taon. 

Kabilang din sa kanilang kompanya ang Intel Jewelry, LIV bank, Intel Logistics, Antalya Petrol, Noah Luxury Yacht, Bektas Travel and Tourism, Intel Telecommunication, Intel Media, Intel Petroleum, at marami pang iba.

Nagsimula rin sila ng bagong pakikipagsapalaran sa sektor ng alahas pagkatapos ng torismo. Ang pagpasok nila sa industriya ng alahas ay sa pakikipag tulungan ng world giant brand na Bulgari, na nakipag sosyo sa Intel at binuksan ang mga tindahan ng Bulgari Arts sa World's Fashion Center cities. 

Ang mga alahas na may mga linyang Turkish at Ottoman ay inaalok para ibenta sa mga tindahang ito. Prayoridad ng kompanya ni Yilmaz ang kalidad ng kanilang mga produkto. 

Sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa kanilang trabaho, sinabi ni Yilmaz na ginawan nila ng mahusay na effort ang kanilang brand upang maprotektahan ito. 

Sa pagpapaliwanag nito, ang prinsipyo ng kanilang kompanya ay gawin ang mga tamang bagay sa tamang oras dahil hindi nila kino-compromise ang kalidad, hindi rin nila isinasaalang-alang ang kita. 

Sa pagsasabi nito na ang bagong brand nila ay magiging kabilang sa mga higanteng brands sa mundo, binuksan nila ang Bulgari Arts sa labing-anim na bansa. 

Pinili rin nila ang mga taong makakasama nila pagkatapos ng isang maingat na pananaliksik. Tinanggihan nila ang maraming aplikasyon at hindi nila inisip ang tungkol sa pera. 

Sa katunayan, binanggit nito na mayroong tatlong miyembro mula sa Royal Family ang nagmamay-ari ng ilang tindahan. Binibigyang diin din nila na ang Bulgari Art brand ang magiging global brand ng Turkey sa mundo. 

Sinabi ni Yilmaz na ang mga yateng itatayo sa tabi ng mga tindahan ng alahas ay ilulunsad sa dagat na may jewelry brand. Binuksan din nila ang Bulgari Hotel Casino sa Fashion Castle Hotel Casino noong 2011, kung saan ang isa ay 5-stars at ang isa naman ay 7-stars. 

Inulit nito na ang kanilang layunin ay hindi lamang kumita ng pera, ang mga prayoridad ng kanyang bansa ay mauuna muna bago ang kanyang mga prayoridad sa buhay. 

Sa kanilang naging pulong, tinalakay ang pagbubuo ng brand ng Bulgari Art at tinukoy ang mga konsepto ng tindahan na kabilang sa brand na ito. Sinasabing 750 million euros ang natukoy bilang investment value. 

Kahit hindi nagtagal ang kanilang relasyon ni Ruffa, nasa ilalim ng family registry ni Yilmaz ang mga anak na sina Lorin at Venice, kaya sa hinaharap ay magkakaroon ito ng mamanahin mula sa kanilang ama. 

At hindi na rin nakakapagtaka kung ilang milyones ang kanilang makukuha dahil sa pagkakaroon ng successful business ng kanilang ama sa Turkey at sa ibang parte ng mundo. 

Inilaan na rin ni Yilmaz para sa kaniyang mga anak ang ilang porsyento ng kanyang kompanya nang sa gayun ay makabawi naman ito sa ilang taon nilang hindi pagkikita. 

Sa pag-aayos nina Ruffa at Yilmaz, hindi naman maitatanggi na sinubukan nilang gawan ng paraan na magkaroon sila ng maayos na relasyon para sa kanilang mga anak. 

Sinimulan ito ni Ruffa nang bigyan niya ng pagkakataon ang mga anak, lalo na ang bunsong si Venice, na makausap ang ama noong nagdaang Holy Week. 

Matagal din kasing walang communication ang mga bata sa kanilang ama, at ang kapatid ni Yilmaz na babae ang gumawa ng paraan upang macontact si Ruffa. 

Kinausap naman nito si Venice at sinabing nakausap niya ang kapatid ng ama, positibo ang naging tugon ng anak at sinabing ibigay ang kanyang numero dahil nasa tamang edad naman na ito. 

Naging emotional ang phone call nina Venice at Yilmaz, dahil ramdam ni Ruffa na nasa puso pa rin ng bata ang sakit na iniwan at pinabayaan sila ng kanilang ama. 

Bago naman mangyari ang pag-uusap sa pagitan ng mga anak nito at Yilmaz, ikinwento muna ni Ruffa na silang dalawa muna ni Yilmaz ang nag-ayos ng kanilang relasyon sa isa't isa. 

Ang ex-husband pa rin kasi ng beauty queen ang nag-iisang lalaki na kanyang iniiyakan dahil sa tagal ng kanilang pinagsamahan. Ibinunyag ni Ruffa na noong magkausap sila ni Yilmaz sa telepono, napag-desisyonan nila na magtulungan na lamang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Aniya, napakahalaga ng oras para sa kanila at tumatanda na rin ang mga ito, kaya naman gusto ni Yilmaz na makasama ang kaniyang mga anak. 

Dagdag pa ni Ruffa, kahit na minsan o dalawang beses sa isang taon sila naguusap noong tinawagan siya nito sa lock in taping niya para sa seryeng "Stay in Love", doon nila seryosong napagusapan ang tungkol sa mga bata. 

Naniniwala si Ruffa na dapat magkaroon ng relasyon ang kanyang mga anak sa kanilang ama. Kahit ano pa man ang nagawa nito noon, hindi naman maitatanggi na kadugo nila si Yilmaz at ito rin ang dahilan kung bakit sila nabuo at isinilang sa mundong ito. 

Isinantabi ni Ruffa ang mga pinagdaanan nito sa kamay ng dating asawa, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga anak na makilala at makasama ang kanilang ama. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo