DETALYE sa PAMBUBUDOL kay Tom Rodriguez Na Dahilan ng Hiwalayan nila ni Carla Abellana!

Miyerkules, Hunyo 22, 2022

/ by Aya Browse

 


Marami sa mga netizens ang nagulat sa naging pasabog na pahayag ng kapuso star na si Tom Rodriguez noong June 17 ukol sa kanilang paghihiwalay ng dating asawa na si Carla Abellana. 

Pero bukod sa naging statement ni Tom na ipinadala ng kanyang talent manager na si Popoy Caritativo ukol sa kanilang opisyal na paghihiwalay, marami sa mga netizens ang na-curious ukol sa isang parte ng kanyang pahayag ukol sa pera. 

Naubos kasi ang pera ng aktor matapos itong mabiktima at maloko ng mga taong pinagkatiwalaan niya. 

Ito ang buong pahayag ng aktor, "I left the Philippines for the US last March 13 with the realization that despite all my efforts, Carla had already given up on our marriage. A lot has been said against me, but in the end Carla and I are the only two people who know the truth. I refuse to allow anyone who only wants to use us and our brokenness for news. It was not a perfect relationship, but we both know how much we loved each other. I will no longer dwell on the reasons why our marriage fell apart, so many lies have been said on me which are completely untrue and utterly unfair. I may have fallen short as a partner especially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility, but it must be stressed that at no time did I ever lay a hand on Carla. I have accepted her decision, that it is time to move forward independent from each other. I have to teach myself how to fall out of love from her. This will be a lonely, painful path that I shall take. But together with my family here in the US, I have the strongest support system. I am with a people who will never judge and who will only love me unconditionally. Now that the divorce decree is final, I truly wish Carla's birthday wish be granted and that she finds the happiness she is searching for. This will be the last you will hear from me on the matter. I have no desire to violate the gag order issue on us and our lawyers."

Bagama't hindi na rin pinangalanan ng aktor kung sino ang kanyang tinutukoy na nanloko sa kanya na dahilan ng pagkawala ng pinaghirapan niyang pera, labis itong nakaapekto sa samahan nilang mag-asawa. 

Isa rin ang mag-asawa sa mga naging topic sa showbiz update vlog ni Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh. Parte ng naging usapan nila ay ang pagkaka-ubos ng pera ng Kapuso aktor sa kabila ng maraming projects na nagawa nito noon. 



"May nakapagsabi sakin na sumali sa isang negosyo o nag-invest sa isang negosyo itong si Tom, na natalo siya ng more than, kung hindi ako nagkakamali, 24 million pesos." saad ni Ogie. 

Tanong naman ni Mama Loi, "Ano yan nay? Natalo o na-scam?"

"Yun nga... hindi ko alam kung na-scam siya o nalugi yung negosyong kanyang pinasukan kaya walang pera si Tom, yun ang sabi sakin. Pwede rin naman niyang ideny o ikorek at aware daw doon si Carla sa perang na-Lotlot de Leon."

Sa ngayon ay nasa America ang aktor kasama ang kanyang pamilya pero hindi naman ibig sabihin nito ay nag-goodbye na ang aktor sa showbiz. 

Ayon sa ilang source, ang taong nang-scam umano kay Tom ay isa sa itinuturi niyang malapit na kaibigan at ang taong ito ay may mahalagang ginampanan pa nang ikasal sina Carla Abellana last year. 

Kaya naman pala ganun nalang katindi ang pagtitiwalang ibinigay ni Tom sa itinuturing na isa sa matalik niyang kaibigan. Ilang beses na rin daw itong winarningan ni Carla hingil sa nasabing kaibigan, pero dineadma lang daw ito ni Tom. 

Marami ang nagpapayo kay Tom na sampahan ng kaso ang kaibigang nanloko sa kanya at isa sa dahilan rin ng pagkasira ng marriage nila. 

Batay sa mga pahayag ni Tom, mapapansin na pigil na pigil itong maghayag ng ano pa mang impormasyon dahil na rin sa bisa ng gag order. 

Pero tila naunahan siya ni Carla sa estilong ito dahil ang aktres ay tila hindi nasampahan ng gag order ng kampo ni Tom, kaya malaya itong magbigay ng reaksyon. 

Matatandaan na kaya rin nagsalita si Tom ay dahil sa mahabang komento ni Carla Abellana sa isang netizen na sinabihan siyang "ipokrita" dahil kesho ayaw nito sa negativity. 

Sa pahayag ni Carla, "Ang taong lubos na nasaktan hirap pong pigilin hindi ilabas ang galit sa anumang paraan. I was disrespected, I was betrayed, I was lied to, I was used, I was shamed, I was made to look stupid. Kung sana hanggang doon lang po, makakabangon lang din po ako balang araw, pero gawan pa po ako at ng pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga susunod na araw, linggo, at buwan... sobra sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko. Wala po akong ibinigay kay Tom kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pagaaruga, panguunawa, pagtitiis, sangkatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniniwala, pagtitiwala, pag-aasikaso, pagprotekta lahat lahat na. Binigay ko po buong buhay ko sa kanya, pito na taon po akong bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, madismaya dahil hindi po pwede. Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ko at hindi po tama ang mga ginagawa niya, paulit ulit ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensiyon ko. Pito na taon pong naipon sa loob ko lahat yun, gustuhin at kailangan ko man pong ilabas lubos na nakakatakot po."

Giit pa ni Carla, pinayuhan daw niya si Tom na lumapit sa isang dalubhasa upang magamot ang hindi niya matukoy na kondisyon nito, pero hindi raw ito ginawa ng asawa. 

Sa kabila nito, pinakasalan pa rin niya si Tom at tinanggap ng buong buo. "Ilang beses ko po siyang hinikayat na magpatingin, magpagamot, at magpagaling dahil yun din po ang gumana sakin pero wala pa rin po. Tinanggap ko pa rin po siya ng walang pagdududa kahit wala pong pagbabago. Hinarap ko po siya sa altar, buong puso po akong determinadong alagaan ang pagsasama at pagmamahalan namin at panindigan ang mga sinumpaan namin sa harap ng Diyos." 

Dagdag pa ni Carla. "Sa dami po ng binigay ko kay Tom, wala na pong natira sakin. Galit, pride, at ego ko...siya na rin po ang kumuha sakin at hinayaan ko naman pong kunin din niya. Pinaglaban ko po siya ng lagpas sa pitong taon."

Iginiit naman ni Tom, nagkulang man daw siya bilang asawa pero kailan man ay hindi niya pinagbuhatan ng kamay si Carla Abellana. 

Hingil sa mental condition ni Tom, kung babalikan ang paguumpisa nito sa showbiz noong housemate pa lamang ito sa Big Brother House sa ABS-CBN, napatawan si Tom ng forced eviction dahil sa kanyang behaviour na magagalitin na may tendency na maging bayolente. 



Nang matalo ang grupo nila Tom sa challenges sa loob ng bahay, nagbitaw ito ng masasamang salita laban sa kanyang mga ka-housemates at hindi napigilan ang kanyang galit at pinagsusuntok ang pader ng activity area kung saan naroon nakapwesto ang glass window at mga camera. 



Dahil sa rule book ng PBB na pinapatawan ng forced eviction ang sinumang nagpapakita ng karahasan sa loob ng bahay ni kuya, kaya namang napagdesisyonan nilang tanggalin si Tom Rodriguez sa kompetisyon. 

Ayon nga kay Carla Abellana, hinihikayat niya ang dating mister na magpatingin sa espesyalista pero hindi ito ginawa ni Tom.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo