Diego Loyzaga Nag Trending Matapos Aminin Na Isa Siyang Marcos Loyalist! Inang Si Teresa Proud!

Miyerkules, Hunyo 15, 2022

/ by Lovely

Trending at pinag-uusapan ngayon sa social media ang paglantad ni Diego Loyzaga at nang ina nitong si Teresa Loyzaga bilang maka-Marcos. 

Hindi ito dahil sa si Diego ang kinuhang gaganap bilang young Bongbong Marcos sa pelikulang Maid in Malacanang kundi inamin mismo ni Diego Loyzaga na isa siyang Marcos Loyalist. Pinangarap din umano nitong maipakita balang araw ang pagsuporta sa Pamilyang Marcos.

Ang paglalahad na ito ay ibinahagi ni Diego sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Ibinahagi rin ni Diego Loyzaga na ang kanyang ina ay isa ring Marcos Loyalist.

Si Diego Loyzaga ay isang aktor mula sa Kapamilya Network. Ngayon, tila unti-unting lumalabas ang mga talents ng nasabing network na maka-Marcos. Nangangahulugan ito na hindi solid VP Leni supporters ang ABS-CBN ang ilan ay nanahimik lamang ngunit supporter pala ng BBM.

Ayon isang article, proud na ibinahagi ni Diego Loyzaga na isa siyang Marcos Loyalist.

Sa Instagram post ni Diego nitong June 12, 2022, sa pagdiriwang ng ika-124 years ng Araw ng Kalayaan, sinabi ni Diego na masayang masaya siya mapaglilingkuran ang mga Marcos. 

Binigyan siya ng isang pagkakataong makapagsalita sa isang thanksgiving event kung saan makikita rin ang ilang singers na BBM supporters. 

Ayon kay Diego, nais niyang ipakita ang pagsuporta sa Pamilyang Marcos at tila ibinigay naman ang opportunity na iyon dahil siya ang kinuhang gaganap sa role ng batang BBM sa pelikulang Maid in Malacanang. Sinabi rin ni Diego Loyzaga na masaya siyang mapabilang sa Pamilya at nais din niyang tawagin bilang isang Marcos Loyalist.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa kay Diego Loyzaga hindi lamang dahil sa pagtanggap nito sa role kundi dahil sa pangarap nitong, balang araw ay mapaglilingkuran niya ang Pamilyang Marcos.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo