Trending topic ngayon ang deklarasyon bilang persona non grata sa Quezon City kina Kapuso Comedy Queen Ai Ai Delas Alas at Darryl Yap.
Ayon ito sa resolution ng outgoing Quezon City District 4 Councilor Ivy Lagman. Ang pagdedeklara umano ay dahil sa umano'y pambabastos sa Quezon City triangular seal sa lumabas na campaign material para sa Mayor candidate at Anakalusugan Party List Rep. Mike Defensor. Naging epektibo ito nitong Martes, May 7, 2022.
Sa naturang campaign video, makikita ang pagganap ni Ai Ai bilang si Mayor Ligaya Delmonte. Sa background nito makikita ang triangular Quezon City seal at doon nakalagay ang BBM SARA.
Sina Delas Alas, Defensor at Yap ay pawang taga suporta ng Uniteam na pinangungunahan naman nina President-elect Bongbong Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte. Samantala, si Councilor Ivy naman ay ipinahayag ang kanyang pagsuporta kay VP Leni Robredo.
Nagbigay na ng pahayag si Derek Darryl Yap ukol sa deklarasyong ito,
"I don't bear any ill feelings to Mayor Joy Belmonte because she is entitled to feel offended or feel like inasar siya or nilait siya or anything.
I completely accept the repercussions of what I did. they have the power to do that and I also have the power to do things my way.
My presence will not be declared unwelcome on social media. I don't think I'm gonna be going anywhere in Quezon City naman.. so it will not actually pain me.
So, better luck next time Councilor Lagman, sa akin at sa eleksyon."
Mukhang may pasaring si Derek Yap kay Konsehal Lagman na kilalang supporter ni VP Leni Robredo.
Hinuha ng mga netizens ay ganti lamang ito ng konsehal kina Ai Ai Delas Alas at Darryl Yap na kilalang sumusuporta kay BBM at ginawang dahilan lamang ang seal ng Quezon City. Ang ilan pa ay tila nagbigay pa ng payo para sa konsehal na magbasa-basa din ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!