Back in the grocery after a couple of months. Couldn't believe the prices.
Wala mang binanggit si Edu Manzano kung tungkol ba ito sa political issue ng bansa. Hinuha naman ng mga netizens na tila malisyuso ang nasabing tweet na ito.
Sagot naman ng isang netizen na hindi na kataka-taka ang pagtaas ng mga bilihin. Noon pa man mataas na ang bilihin ba't tila ngayon lamang umano napansin nito.
Isa si Edu Manzano sa solid supporters ni VP Leni Robredo na ginawa ang lahat para manalo ito sa pagka-pangulo. Isa rin ito sa mga taong tumutuligsa kay BBM.
Matatandaang hindi nanahimik si Edu Manzano tungkol sa isyung kinasangkutan ni VP Leni sa Cebu Pacific Airlines. Ipinagtanggol nito si VP Leni sa isang pilotong nag-post tungkol sa pagkakaroon ng flight diversion dahil sa vice president tila pinagbantaan nito noon ang Cebu Pacific na hindi na ito muling sasakay sa mga eroplano ng nasabing airlines hangga't hindi umano natutugunan ng management nito ang nasabing isyu.
Komento naman ng mga netizens sa nasabing tweet ni Edu, dati na umanong mataas ang bilihin bakit tila ngayon lang ito napansin ni Edu kung kailan natalo ang kanyang sinusuportahang kandidato sa pagka pangulo na si VP Leni.
Tanong pa ng isang netizen kay Edu na kung si VP Leni ba ang nanalong Presidente bababa ba presyo ng bilihin?
Ipinaliwanag naman ng isang netizen na hindi lang sa Pilipinas tumaas ang presyo ng bilihin kundi maging sa ibang bansa rin. Hindi umano dapat isisi sa gobyerno ang pagtaas ng mga bilihin dahil epekto umano ito sa pagtaas ng presyo ng mga petroleum products.
Dagdag pa nito na huwag ng magsisihan at puro reklamo sa gobyerno mas makabubuti na magtulungan upang sabay-sabay sa pag-unlad.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!