Larawan ngayon ng katatagan si Moira Dela Torre matapos ang hiwalayan nila ni Jason Hernandez. Sa kanyang guesting sa Magandang Buhay, kinukumusta siya ng mga hosts kung ano na nga ba ang stado ng kanyang puso.
Matagal bago nakasagot ang singer, na tila tinitimbang nito ang kanyang nararamdaman.
"I'm in the season na hindi ko na makita."
Dagdag pa niya, siya ang taong mahilig na magplano at ang hiwalayan nila ni Jason ay wala sa plano. Dahil umano sa nangyaring ito, napatunayan ni Moira na pwedeng magsabay ang grieving at healing.
Sa kanyang pinagdadaanan ngayon, ang kanyang pinagkukunan ng lakas ang Panginoon at ang mga taong nagmamahal sa kanya. Sa isang parte ng segment, natanong ni Regine Velasquez kay Moira kung mayroon bang pagkakataon na sinisi nito ang kanyang sarili?
Hindi na ito nakaya ni Moira at naging emosyunal. Kaagad naman siyang niyakap ng mga hosts bilang pagpapakita ng suporta at simpatya.
Sa huli sinabi ni Moira, na hindi man siya buo ngayon ngunit sa tulong ng Panginoon, magiging buo din siya.
Patuloy naman ang pagpapakita ng suporta mula sa kanyang mga tagahanga. Komento ng ilan na napakaganda ng mga choice of words nito at parang kumakanta.
May nagpapayo rin na magpakatatag lamang ito at huwag panghinaan ng loob. Dagdag pa ng ilan na palagi lamang itong magtiwala sa Panginoon at malalampasan din nito ang pinagdadaanan. May humiling naman sa tuluyang pagmomove-on nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!