Enchong Dee Matapang Na Pumunta Sa Davao at Hinarap Na Ang 1 Billion Libel Case Laban Sa Kanya!

Biyernes, Hunyo 3, 2022

/ by Lovely

Lumipad patungong Davao Del Sur ang aktor na si Enchong Dee para humarap sa mediation hearing ng kinakaharap na Libel Case na isinampa ni Rep. Claudine Bautista.

Nagtungo ang aktor sa Hall of Justice sa Digos City kasama ang kanyang abogado. Matatandaang sinampahan ng kasong Cyber Libel ni Rep. Bautista si Enchong Dee matapos nitong gumawa ng malicious tweet tungkol sa kanyang kasal noong 2021.

Sa nasabing tweet ipinahiwatig umano ng aktor na ang perang ginamit sa kasal ni Rep. Bautista ay galing sa pondo para sa mga commuters at drivers.

June 2, Huwebes personal na tumungo si Enchong Dee sa Davao Del Sur kasama ang kanyang abogado. Dumalo siya sa mediation kaugnay sa 1 billion lawsuit na isinampa noong November 2021, matapos ang pahayag niya ukol sa aniya'y magarbong kasal ni Rep. Bautista.

Ilang mga larawan ni Enchong ang kumakalat ngayon sa social media kung saan namataan siya sa Hall of Justice sa Digos City.

Napag-alaman din na hindi lamang ang mediation hearing ang dahilan sa pagpunta ni Enchong Dee sa Davao. Kasama ang kanyang manager, nagkaroon sila ng charity work sa naturang lugar nitong June 1.

Ipinost din ng aktor ang ilang mga larawang kuha mula sa naturang charity event sa Davao.

Matatandaang nakapag-pyansa lamang si Enchong ilang buwan ang nakalipas sa nakabinbin niyag kaso.

( Hide )
  1. TAGAM...SUNOD C BELLO NMAN..

    TumugonBurahin
  2. tama lang an daig p kase bakla ni enchong mhilig pumutak

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo