Tila nahaharap na naman sa panibagong isyu ang isa sa mga myembro ng Ex-B .
Kumakalat ngayon sa social media ang umano'y ginawang pambubugbog ni James Brando sa partner nitong si Dain. Ayon sa balita, naganap umano ang sakitan ng mag-partner sa Boracay.
Nahuli umano si Brando na ka-chat ang ex-girlfriend at nais umano nitong makipagbalikan. Ito ang naging dahilan sa sakitan ng dalawa at napuruhan si Dain.
Sa ngayon ay binibenta ni Dain ang kanyang property sa Bulacan dahil plano nitong manirahan na lamang sa ibang bansa kasama ang anak nila ni Brando.
Ayon kay Dain, alam niyang mas makakabuti ang buhay nilang mag-ina kung magpakalayo-layo na lamang silang mag-ina. Ayon kay Dain,
"Kailangan ko to gawin desisyon na to para samin ni Trinity alam ko na mas magiging maayos buhay namin 'pag sinugalan ko 'tong desisyon ko na to. Gusto ko na makapagsimula ng bagong buhay malayo sa lahat."
Samantala, ayon sa ibinahaging post ni Brando sa kanyang official account, sinabi nitong kung sino pa umano ang mga taong may ginawang mali. Sila pa umano itong nagpapalabas na ikaw ang masama sa huli.
"Ang mga taong may ginawang mali, palalabasin kang masama sa huli."
Sa mga hindi nakakaalam, sina Skusta Clee, Jon Gutierrez at Flow G ay kabilang sa Ex-B. Ang tatlo ay nagkaroon din ng isyu sa mga babae.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!