Flow G Nagsalita Na | Hinamon Si Ma-ka-ga-go | Angelica Yap Di Makapaniwala

Martes, Hunyo 14, 2022

/ by Lovely

Bistado mga chicks ni Flow G.

Si Zeinab Harake ang piniling kampihan ni Mark Jayson, mas kilala bilang Makagago laban kay Skusta Clee at mga kaibigan nitong kunsintidor umano.

Ibinahagi niya sa kanyang vlog ang screenshot ng umano'y patunay na may ibang babae si Flow G. Naging usap-usapan si Makagago matapos nitong magbahagi ng video, na inalmahan niya ang pangungunsinti ng mga kaibigan ni Skusta Clee sa pambababae nito.

Hindi din pinalampas ni Makagago ang TikTok video ni Angelica Yap kung saan sinasabi nitong, hindi siya kinakabahan. Ayon kay Makagago maglalabas siya ng mga video na ikakabigla ni Angelica Yap o mas kilala bilang Pastillas Girl.

Dagdag pa ni Makagago kung dinadamayan nila si Skusta Clee, dadamayan naman niya si Zeinab.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at Youtube content creator. Naging controversial ang relasyon nila ni Skusta noong una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Naging usap-usapan din sa social media ang mga rebelasyong inamin ni Zeinab Harake sa interview niya kay Toni Gonzaga.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo