Francine Diaz Hindi Nagpakabog Kay Andrea Brillantes Sa Mega Magazine Photoshoot!

Biyernes, Hunyo 3, 2022

/ by Lovely


Sa pagdiriwang ng ika-30 taon ng Star Magic ipinakita ng fashion magazine na Mega ang magagandang young stars sa cover page nito.

Pinangunahan ng mga artistang sina Belle Mariano, Andrea Brillantes at Francine Diaz ang front cover kasama ang award winning actress na sina  Charlie Dizon, Alexa Ilacad at Jadah Avanzado.

Ang anim na kapamilya stars ay nagbahagi tungkol sa pagiging kasapi ng Star Magic, na nagpasimula ng maraming magagaling na stars sa industriya tulad nina Piolo Pascual, Jericho Rosales at Jodi Sta. Maria.

Samantala, ilang mga netizens naman ang nakapansin na tila hindi masyadong nagpansinan ang dating magkaibigan na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz. Marahil ay dahil nagkaroon ng gusot sa pagitan nila, kaya nailang na sa isa't-isa.

Sa ngayon ay masaya si Andrea sa kanyang basketball player boyfriend na si Ricci Rivero. Habang ang bagong ka-love team naman ni Francine ay si Seth Fedelin na dating ka-love team ni Andrea.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo