Galit at Sakit! Carla Abellana Matapang Na Isiniwalat Ang Mga Ginawa Sa Kanya Ni Tom Rodriguez

Huwebes, Hunyo 16, 2022

/ by Lovely

Sa matagal na panahong pananahimik ng aktres na si Carla Abellana tungkol sa isyung paghihiwalay nila ng mister na si Tom Rodriguez, hindi na niya napigilang magsalita nang mapuno na siya sa mga komento ng netizen na nakasagutan pa niya sa social media.

Marami ang nagulat nang hindi na napigilan ni Carla Abellana na isiwalat ang lahat ng nangyari. 

Sa daming negatibong komento na natanggap niya, ang komentong ito ng isang netizen ang nakapagtrigger sa aktres na ilahad na ang kanyang nararamdaman at mga sakit na pinagdadaanan ngayon sa paghihiwalay nila ni Tom Rodriguez.

Ayon kay Carla Abellana, kulang pa ang pagla-like niya sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Nagla-like siya, pero 'yun lang ang ginawa niya at wala ng iba. Siya bilang nasaktan physically and emotionally. Napaka hirap umano para sa kanya ang paraan upang ilalabas ang kanyang nararamdaman.

Pinili niyang manahimik sa matagal na panahon. Tanging pagla-like na lamang ang kanyang nagawa. Ito umano ay para na rin sa pagpoprotekta kay Tom.

Pahayag niya, pambabastos, panloloko, pangagamit, paninira at pagtataksil ang matagal na panahon niyang tiniis sa pagsasama nila ni Tom para lamang ingatan ang kanilang pagmamahalan.

Maraming beses umano niyang pinatawad si Tom sa ilang beses na nagawa nitong pananakit sa kanya. Umaasa siya na magbabago pa ito. Pinayuhan din umano niya itong magpagamot ngunit hindi ito nakinig sa kanya.

Maraming sakit umanong tiniis si Carla upang ingatan ang higit pitong taon nilang relasyon. Matagal na panahon umano siyang bawal magalit, bawal magsalita dahil iniingatan niya si Tom at ang pagsasama nila.

Ngunit sa tagal na panahong iyon napuno na umano siya at naubos na. Kaya ngayon, kahit masakit sa kanya mas pinili niya pa ring manahimik muna at ayusin ang kanyang sarili sa paraang alam niya. Ito'y lumayo sa lalaking minsan nakasama niya sa harap ng altar at pinangakuan ng panghabang buhay.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo