Viral at usap-usapan ngayon ang naging guesting ng aktres na si Bea Alonzo sa vlog ng aktres na si Barbie Forteza. Bukod sa makulit na kwentuhan at usapan ng dalawa. Viral ang naging sagot ni Bea Alonzo nang tanungin siya ni Barbie kung willing ba siyang makatrabaho ang isa sa kanyang mga naging ex-boyfriend.
Matapang ang naging sagot ni Bea. Ayon sa kanya, kung ang kanyang ex na si Zanjoe Marudo ang makakatrabaho niyang muli, willing siyang gumawa ng proyekto kasama ito. Lalo na't hanggang ngayon ay nananatili silang magkaibigan ni Zanjoe at hindi naman naging masalimoot ang naging hiwalayan nila.
Ngunit, ang labis na ikinagulat ng lahat nang sabihin mismo ni Bea na isang ex niya lang ang ayaw na niyang makatrabahong muli.
"Isa lang naman 'yung ayokong ex," pahayag ni Bea.
Bagama't hindi niya pinangalanan ang nasabing nag-iisang ex na ayaw na niyang makatrabaho, malakas na paniniwala ng lahat na si Gerald Anderson ang tinutukoy ng dalaga. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat, na hindi naging maganda ang paghihiwalay nila.
Sinasabing ginosht mismo ni Gerald si Bea. Kaya naman hindi imposible na hanggang ngayon galit pa rin si Bea Alonzo kay Gerald. Kaya ayaw itong makatrabahong muli ng aktres.
Matatandaan na naging controversial ang hiwalayan noon ng dalawa. Ayaw mang makatrabaho muli ni Bea si Gerald, hiling ng lahat na mahanap ng aktres sa puso ang pagpapatawad sa mga maling nagawa sa kanya ng kasintahan. Lalo na't pareho na silang masaya sa kani-kanilang mga love life.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!