Marami na sa showbiz couple ngayon ang engaged na.
Mukhang mapapabilang na rin ang magkasintahang sina Gerald Anderson at Julia Barretto. Nang mag-attend kasi ng wedding ang dalawa sa dating PBB housemate na si Joe Vargas at misis nito na si Bianca, ay inabot na mismo ng bride ang kanyang bridal bouquet kay Julia.
Ayon sa balita, mismong si Gerald pa daw ang nagsabi kay Bianca na gawin ito. Kitang-kita naman ang kasiyahan sa mukha ni Julia nang makuha ang bouquet. Kung matatandaan sa isang vlog ni Julia ay inamin niya na pangarap niyang maging ina, at ready na nga siya anytime.
Kung si Gerald nga ang nag-utos kay Bianca na ibigay o iabot kay Julia ang bouquet, isa lang ang ibig sabihin nito. Gusto na rin ni Gerald na pakasalan si Julia. Mukha ngang pahiwatig ito na anumang araw, ay maaari ng magpropose si Gerald kay Julia o may balak na ang binata na magpropose kay Julia. Kaya ito ang ating abangan!
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!