Grabe! Gerald Hindi Nakapagpigil Inamin Ang Tunay Na Relasyon Nila Ni Ivana, Julia Barretto Nagulat

Martes, Hunyo 21, 2022

/ by Lovely

Grabe! Gerald hindi nakapagpigil inamin ang tunay na relasyon nila ni Ivana, Julia Barretto nagulat!

"From now on, I'm a fan. Magiging cheerleader ako," ito ang excited na pahayag ni Gerald Anderson patungkol sa bago niyang leading lady na si Ivana Alawi. Talagang bumilib ang Kapamilya actor sa ipinakitang dedication and professionalism ng sexy vlogger sa kanilang upcoming drama series na A Family Affair.

Isa umano ang aktor sa mga nadagdag na fans ng sikat na vlogger- celebrity na hinahangaan ng mga netizens at kapwa Youtubers.

Bukod sa mga drama moments nina Gerald at Ivana sa bago nilang serye, aasahan din ang mga maiiinit nilang eksena na tiyak ikakagulat ng mga manonood.

Sa panayam ng ABS-CBN, inamin ni Gerald na may ginawa silang sexy ni Ivana sa nasabing series na kahit siya ay na-shock nang malaman na kailangan nila itong gawin.

Mag-asawa ang karakter na ginagampanan ng dalawang Kapamilya stars . Sa programa, unti-unting masisira ang kanilang relasyon dahil sa mga lihim ng kanilang pamilya.

Paglalahad ni Gerald, na hindi naman siya kinakabahan sa ginawang intimate scene with Ivana.

"First of all, kasi inisip ko, pinuntahan pa ako ni Direk Jerome sa tent bago kami kunan. Inexplain niya sa akin kung ano ang gagawin at kung papaano namin gagawin."

"Sabi ko pang TV ba talaga ito? Sabi niya, 'hindi pang Netflix 'to.' Syempre first leading role ni Ivana, sabi ko paano natin gagawin 'to na magiging comfortable siya sa scene."

"Kinakausap ko ang mga PA sa set sina Direk kapag feeling ko hindi na ganun ka-comfortable o medyo parang may nakikita o medyo revealing. Titingnan ko si Direk, kasi syempre si Ivana ang priority ," pag-aamin ni Gerald.

Habang tumatagal umano ang kanilang lock-in taping at sa mga natapos na nilang mga eksena ni Ivana. Masasabi ni Gerald na certify fan na siya ng dalaga. Pagkatapos umano ng A Family Affair, excited na umano siyang mapanood ang sexy vlogger sa mga susunod nitong projects.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo