GRABE! TOM RODRIGUEZ, IPINAGSIGAWANG MALAYA na KAY CARLA ABELLANA!

Huwebes, Hunyo 2, 2022

/ by Lovely


Viral ngayon sa mundo ng showbiz si Tom Rodriguez matapos niyang magbahagi ng isang litrato kung saan makikitang nakalaya sa posas. Usap-usapan ngayon ng mga netizens kung ano nga ba ang ibig sabihin ng larawang ito.

Makikita sa litrato ang dalawang braso at naputol na posas. Samantala wala namang caption ang nasabing picture na ibinahagi ni Tom.

Spekulasyon naman ng mga netizens, marahil ang ibig sabihin ni Tom ay ang pag-aayos na ngayon ni Carla sa kanilang annulment papers upang ipawalang bisa ang kanilang kasal.

Ang hinuhang ito ay pinagtibay ng Beteranang Kolumnista na si Cristy Fermin. Ayon sa kanya, mas lalong lumalala ang lamat sa pagitan ng dalawa nitong mga nakaraang buwan habang usap-usapan ang diumano'y  hiwalayan nila.

Matatandaang sa mga nakalipas na buwan ay hindi na rin natigil ang mga spekulasyon sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila.

Nariyan ng kwestyunin ang tunay na gender preference ni Tom, may napapabalita ring pera ang naging ugat ng kanilang hiwalayan at ayon naman sa ama ni Carla Abellana na si Rey Abellana pakikipag-one night stand ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sa kabila naman ng kaliwa't kanan na mga spekulasyon nanatiling tahimik pa rin ang dalawa at hindi nagbigay ng anumang pahayag sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Gayunpaman, tila muling nagbigay ng rason si Tom upang mabuhay muli ang isyu matapos niyang magpost ng isang nakaka-intrigang picture na tila nagsasabing malaya na siya matapos mapabalitang inaasikaso na ngayon ni Carla ang kanilang annulment papers.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo