Half Sister Nila Lorin at Venice Anak Ni Ruffa Gutietrez Nag-Bonding Sa Turkey - Meet Ilknaz Bektas

Linggo, Hunyo 12, 2022

/ by Sparkle

 


Finally, after 15 years ay nakita na rin ng personal ng magkapatid na si Lorin at Venice ang kanilang half sister at kapatid sa ama na si Ilknaz Bektas. 

Kahit first time pa lamang nilang magkita ng personal ay halatang magaan na ang loob nila sa isa't-isa. Agad nagbonding ang magkakapatid at namasyal din sa iba't-ibang lugar sa Istanbul sina Lorin at Venice. 

"I think today is the happiest day of my life", caption ni Ilknaz sa isa sa mga larawang ibinahagi niya kasama ang mga kapatid. 


"All 3 sisters finally complete", masayang saad naman ni Lorin sa kanyang IG stories.

Ikinatuwa naman ni Ruffa Gutierrez na nakilala at nakapiling na ng kanyang mga anak ang kanilang kapatid sa ama. Tinuruan din nila Venice at Lorin na magtagalog ang kanilang kapatid na si Ilknaz. 

Matatandaan na nitong isang araw lang nang inihatid ni Ruffa sa airport ang kanyang mga anak papuntang Istanbul, Turkey, upang makita at mabisita ang kanilang amang si Yilmaz Bektas, na labinlimang-taon na nilang hindi nakikita. 

Makikita ang madamdaming pagtatagpo ng mag-aama sa Istanbul airport at isang yakap na mahigpit at mainit na halik ang isinalubong ni Yilmaz sa kanyang mga dalaga. Samantala, sa ngayon ay ini-enjoy na nila Lorin at Venice ang kanilang pagbabakasyon sa Turkey at nakikipag-bonding sa kanilang mga kaanak sa naturang bansa. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo