"Sorry", mga salitang namutawi sa bibig ni Herlene Nicole Budol sa mga huling sandali ng kanyang Nanay Bireng.
Kahapon lamang, ng humingi ng panalangin si Herlene para sa kanyang Nanay Bireng na nasa Hospital dahil sa sakit nito. Ngunit ngayong umaga, June 6, 2022 alas 9 ng umaga ibinalita ni Herlene na tuluyan ng namaalam ang kanyang Nanay Bireng dahil sa patong-patong na komplikasyon sa mga sakit nito.
Masakit sa dibdib ni Herlene ang pagkawala ng isang mahalagang babae sa buhay niya. Lumaki si Herlene sa piling ng kanyang lolo at lola na siyang nagsilbing magulang niya. Katabi niya sa pagtulog dahil sa hirap ng buhay nila, na hindi nila makayanang may tig-iisang kwarto.
Lahat ng pagsisikap ni Herlene ay para sa lolo at lola niya na tinatawag niyang Nanay at Tatay. Kwento pa ni Herlene na nag-promise pa umano ang Nanay Bireng niya na dadalo sila sa coronation night ng Bb. Pilipinas pageant.
Kaya naman sa pamamaalam ng lola ni Herlene, puro sorry ang namumutawi sa bibig niya. Sorry dahil pumanaw ang kanyang Lola Bireng na hindi man lang umano niya naibigay ang marangyang buhay na ipinangako niya rito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!