Herlene Budol Pagkatapos Magluksa, Magpapahinga Pero Di Susuko Kaya Tuloy and Laban

Biyernes, Hunyo 17, 2022

/ by Lovely

Iba ang dedikasyon ni Herlene Budol sa kanyang trabaho, pagkatapos ng pagluluksa sa pagkawala ng isang napaka importanteng tao para sa kanya. Balik trabaho agad si Herlene.

Bukod sa kabi-kabilang proyekto bilang artista, pursigedo ding bumawi sa ilang mga activities ng Bb. Pilipinas na na-miss niya.

Lumuluha man minsan sa isang tabi hindi ito makikita kapag umawra na ang Dyosa ng Karagatan, ang Hipon Girl ninyo.

Ayon ng sa kanya, "kapag napagod, pwedeng magpahinga pero hindi puwedeng sumuko."

Lalo na nang marinig ang inspiring words mula sa iniidolo niyang si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. 

Tuloy ang laban niya sa pagsungkit sa pangarap niya korona. Ngayon, mas pag-iigihan pa niya dahil alam niyang hindi lang basta nanonood ang Nanay Bering niya, sa kanyang laban kundi kasama niya ito mismo sa entablado. 

Ilang araw na lang ay finals na at malalaman na ang magiging kapalaran ni Herlene Nicole Budol sa Bb. Pilipinas 2022.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo