Nagdadalamhati ngayon ang isang kandidata sa Binibining Pilipinas na si Herlene Nicole Budol. Ito'y matapos pumanaw ng kanyang Lola. Sa kanyang Facebook page nagbahagi si Herlene ng isang nakaka-iyak na mensahe sa pagbili niya ng damit para sa burol ng kanyang lola.
Ang bigat bigat sa dibdib... Dati, pag may natira ako sa kinita ko sa taping, agad-agad ako bibili ng pasalubong kila Tatay Oreng ko at Nanay Bireng kahit tsinelas, duster o kahit anong simpleng pasalubong makita ko lang 'yung magandang ngiti nila at may bonus pa akong masarap na yakap galing sa kanila. Tapos 'yung mag Tiktok kami at tuturuan ko pa sila sumayaw at sabayan lang ako mag-Tiktok. Ang babaw lang ng kaligayahan ko mga KaSquammy ko parang bata lang sa Hipon girl nyo. 'Yung mapasaya ko sila ay sobrang priceless na po para sa akin. Dahil kulang pa 'yung pag-aaruga nila sa akin sa dalawampu't dalawa taon sa akin. Ngayon, napaka bigat sa dibdib ko dahil ito na 'yung huling damit na ibibili ko para kay Nanay. Hindi ko na siya makasama sa Tiktok at kulitan. Ang sakit-sakit mawalan ng taong mahal mo sa buhay. Si Nanay Bireng at si Tatay Oreng ang number #1 fan ko at proud na proud sa akin sa bawa't apearance ko sa television at wala silang linalagpasan sa lahat ng appearance ko simula ng Wowowin days. Sobra ko silang na appreciate dahil laging silang naka-abang sa TV at proud ako sabihin sa buong KaSquammy, Kahiponatics at Kabudol ko dyan na sila Tatay Oreng at Nanay Bireng pina laki ako ng maayos at hindi biro 'yung dalawampu't dalawa na taon. Kaya sobrang sama ng loob ko sa sarili ko na Hindi ko man lang sila nabigyan at maranasan ng magandang buhay sa pag aaruga nila sa akin.
Shout out nga pala sa dati kong Manager na isang taon ko pinaghirapan sa trabaho na wala ako natanggap ni singkong duling. Sana man lang matuto ka po 'yung salitang proper turn over 'yung mga proyekto na pending at sa pera pinaghirapan ko na kolekta mo, na sana pandagdag din sa ambag ko para sa aking pamilya. Kaya kayo mga kabataan, bigyan natin ng oras mga magulang natin at pamilya habang sila ay nasa atin pa. Hindi natin hawak ang oras ng tadhana, bigyan natin sila ng araw-araw na pagmamahal at aruga. Opo, minsan makulit, minsan nakakainis, lalo na't pag pinapagalitan. pero isa lang ang hangarin nila sa atin, ang mabuhay ng tama. suklian natin sila ng oras, kaligayahan at laging tutukan ang kanilang kalusugan. Kapag naka luwag-luwag, ayusin ang kanilang mga health insurance, Philhealth para mabawasan sa oras ng kagipitan at matunton ang sa gamot at pang-ospital. Nanay Bireng, gabayan mo ako at 'wag mong kalilimutan na pinangakuan mo kami ni Sir Wilbert Tolentino na manonood ka sa Binibining Pilipinas sa July 31, 2022. Samahan mo ako at bigyan mo rin ako ng lakas loob sa patimpalak na ilalaban ko sa darating ng Coronation night. Manalo o matalo gusto ko lang maging masaya kayo ni Tatay sa narating ko at magsisilbing inspirasyon sa lahat ng umiidolo sa akin. Love you Nanay Bireng ko, sana magustuhan mo yung outfit na napili ko para po sayo. Pangako na aalagaan ko si Tatay Oreng at ang aking Pamilya.
Ito ang nakakaiyak na mensahe ni Herlene para sa kanyang yumaong Lola Bering.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!