Ipinahiya Ni Makagago Si Angelica Jane Yap Matapos Na Makiusap Nito Na Maging Matured Sana Ang Lahat

Biyernes, Hunyo 17, 2022

/ by Lovely

Angelica Jane Yap aka Pastillas Girl gustong maging ninong si MG sa kanyang magiging anak.

Trending ngayon at pinag-uusapan ang mga naging pahayag ni Angelica Jane Yap aka Pastillas Girl. Ginulat nito ang lahat kagabi nang magpost ito sa kanyang Youtube channet at i-share sa kanyang mga social media accounts.

Ang post ni Angelica ay pinamagatang, Exciting Part. Ito ang kanyang mga sagot sa mga bashers at sa  online personality, vlogger na si Makagago o MG.

Matatandaang, inaabangan ng mga netizens ang sagot niya sa mga patutsada sa kanya ni MG. Tinawag siyang kunsintidor ng mga netizens online at maging ang rapper na si Flow G dahil sa pagpanig nila kay Skusta Clee.

Mariing itinanggi ito ni Angelica at mariin ding sinabi na mahal niya si Archie o Flow G. Naniniwala umano siya na ang kasiraan ni Flow G ay kasiraan niya rin at hangga't sa maaari ay pribado nilang inaayos ang kanilang problema.

Matatandaang, naglabas kamakailan ng screenshot si Makagago na nagpapakita sa umano'y conversation ni Flow G sa kanyang PA. Ngunit ayon kay Pastillas Girl ay masaya sila at inaayos ang kanilang problema dahil team umano sila. Dagdag pa nito, lagi silang magdadamayan at hindi sapat ang problema para sukuan nila ang isa't-isa.

Ayon pa sa kanya, hindi siya magsasalita ng tapos dahil hindi niya alam ang puwedeng mangyari sa hinaharap.

Gayunpaman, alam umano niyang nagmamahalan sila ni Flow G at hangga't kaya nilang piliin ang isa't-isa, ay iyon umano ang gagawin nila.

Sa huli, nagbiro pa si Angelica Yap na gagawin na lamang umanong ninong si MG para hindi na sila i-bash.

Matapos ang kanyang sagot sa lahat ng ibinabato sa kanya, agad namang rumesbak si MG na makikita sa kanyang Facebook account.

Sinabi ni MG na si Angelica umano ang patama ng patama sa social media sa mga taong nananahimik na. Diretsahan ding sinabi ni MG na nagpi-play safe ito. Tinanggihan din nito na maging ninong sa magiging anak ni Angelica.

"Sobrang Matured nung sagot nya, inantok na ako.😂 hindi pa sya kunsintidor sa lagay na yan ha? At matured na matured na sya sa lagay na yan, e sya itong patama ng patama at parinig ng parinig sa social media sa mga nanahimik na tao.
Good tactic yan.
Playsafe pag agressive ang kalaban and act mature kuno.
D tatalab yan sa Apoy na ibabalik ko sainyo bukas.
PS:
Ayoko maging ninong.
Big Pass."


Samantala, muling ipinagdiinan ni MG na ayaw niyang maging ninong sa magiging anak ni Angelica. Sa kanyang bagong palit na profile picture, mababasa ang katagang "ninong mo muka mo".

Sa kabila ng tila pakiki-usap ni Angelica Yap na itigil na ang pambabash. Tila walang makakapagpigil kay MG na muling maglabas ng isa pang pasabog na may kaugnayan kina Angelica Yap at Flow G.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo