Tila hindi sang-ayon si Tom Rodriguez sa komento, na mahal pa siya ng asawang si Carla Abellana. Matapos ang ilang buwang pagde-activate ng kanyang Instagram account muling inactivate ito ni Tom.
Sunod-sunod ang mga cryptic post nito na mukhang may kinalaman sa isyu ng paghihiwalay nila ni Carla Abellana. Ikinagulat ng mga netizens ang una niyang Instagram story dahil larawan ito ng dalawang kamay na nakawala sa pagkagapos.
Ayon pa sa ilang mga netizens, na tila pinapahiwatig nito na nakalaya na siya mula sa kasal nila ni Carla Abellana. Umani ito ng samu't saring komento mula sa mga netizens ngunit nanatiling tikom ang bibig ni Tom ukol sa tunay na kahulugan ng nasabing larawan.
Kasunod nito, ay isang larawan ng pumutok na bulkan ang ibinahagi ng Kapuso actor nilagyan pa niya ito ng makahulugang caption. Sa comment section ng naturang post, may isang netizen na nagtanong kung bakit hindi pa niya ibulgar ang katotohanan.
Why not tell the whole truth now?
Sagot naman ni Tom,
gag order... ask them why
Hindi naman malinaw kung sino ang kanyang tinutukoy sa sagot niyang ito.
May isang netizen rin ang nagsabi kung bakit hindi niya ipaglaban si Carla gayung mahal pa siya nito.
hopefully you will fight for Angeline .. ipaglaban mo siya paps. dahil mahal ka nun.. believe me
Naging pala-isipan naman para sa marami ang naging tugon dito ni Tom. Ayon sa kanya,
not true. And you all know a tiny fraction of an entire story. But one day the whole TRUTH WILL prevail.
Matapos ang post na iyon, larawan naman ng isang lalaking may tape sa bibig ang ibinahagi ni Tom sa kanyang IG stories.
Wala mang direktang pahayag si Tom tungkol sa tunay na kalagayan sa kanilang relasyon ni Carla ngunit sa kanyang mga ipinopost, tila nagpapahiwatig ito sa tunay na pinagdadaanan niya ngayon.
Hanggang ngayon ay tahimik pa rin si Carla Abellana at hindi pa rin malinaw sa lahat kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng pagkakalabuan nilang mag-asawa.
GUDLUCK sa ate koia!
TumugonBurahin