Ito Pala Ang Pahiwatig Ni Moira Dela Torre Sa Breakup Nila Ilang Araw Bago Umamin Si Jason Hernandez

Biyernes, Hunyo 3, 2022

/ by Lovely


Ilang araw matapos lumabas ang balitang naghiwalay ang mag-asawang Jason Hernandez at Moira Dela Torre, ilang mga netizens ang nag-upload ng Instagram live ng singer noong madaling araw ng Lunes, May 30.

Ayon sa uploader, kuha ito noong alas 4 ng umaga noong Lunes isang araw bago inanunsyo ni Jason ang umano'y mutual decision nila ni Moira na maghiwalay.

Sa nasabing Instagram live makikita si Moira na tila malungkot at nagpapatugtog ng gitara. Sinasabayan niya din ito ng pagkanta paminsan-minsan na tila pina-practice pa lamang. Mababanaag sa kanyang mukha at kilos na may pinagdadaanan ito.

Ang mas kapansin-pansin sa mga binigkas na mga salita ni Moira, sa kanyang kanta ay,

"Kala ko ikaw na, hindi pa pala.."

Tila nagpapahiwatig na ito na may mawawala sa kanya. Nasagot naman ang mga agam-agam ng mga netizens kung ano ang tinutukoy ni Moira sa nasabing lyrics ng kanta.

Martes, June 1 isinapubliko ng asawang si Jason ang desisyon nilang maghiwalay. Sa joint statement inamin nito na naging unfaithful siya kay Moira.

Buong pahayag nila,

"It is with a heavy heart that after 3 years of marriage, we announce that we are parting ways. Our love and respect for each other remains. We request for privacy during this difficult times."

Sa naging caption ni Jason sa nasabing statement inamin niya na naging unfaithful siya sa asawa habang nagsasama pa sila. Humingi naman ng paumanhin si Jason sa mga taong nasaktan niya lalong lalo na sa kanyang asawa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo