Ito Pala Ang Totoo! Ruffa Gutierrez May Inamin Patungkol Kay Yilmas Bektas!

Biyernes, Hunyo 17, 2022

/ by Lovely

Kamakailan ay isang emosyunal na Ruffa Gutierrez ang ating nasaksihan dahil sa muling pagkikita ng kanyang mga anak at ama ng mga ito na si Yilmaz Bektas. After fifteen years ay muling nagkita ang mga ito.

Mukhang sinusulit naman ng magkakapatid ang pamamasyal sa Istanbul, Turkey. Mukhang pinagbigyan din sila ng pagkakataon maka-bonding ang family side ng kanilang ama.

Subalit, marami ang naintriga nang magpost si Ruffa Gutierrez habang nakasakay sa eroplano. Marami ang nagsasabing, susunod ito sa kanyang mga anak sa Turkey at makipagkitang muli sa ama ng mga ito.

Sa kabila ng pagiging smooth ng relatioship ngayon ng kanyang mga anak at ni Yilmaz, ay may inamin naman si Ruffa Gutierrez patungkol dito. 

Ayon kay Ruffa Gutierrez, may takot pa rin siya sa dating asawa at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang trauma niya kay Yilmaz. Kahit matagal nang panahon ang nakakalipas sabi ni Ruffa,

"Would you believe na until now, I'm still afraid with my ex-husband. Even if he invited me so many times to go back, I don't want to go back because I have this notion in my head that, he will kill me."

Para sa mga hindi nakakaalam, noong 2007 naghiwalay sina Ruffa at Yilmaz dahil sa pananakit nito. Nagkaroon din ng Post-Traumatic Stress Disorder si Ruffa noon. Pagpapatuloy ni Ruffa, in-denial siya sa mga nangyari kahit sa mga parents niya, hindi niya sinasabi na sinasaktan siya ng dating asawa na si Yilmaz.

Marami rin umanong natutunan si Ruffa sa naging relasyon niya kay Yilmaz bagama't masakit pa rin sa kanya ang mga nangyari sa tuwing naaalala niya ito.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo