Its Showtime Hosts Na Shocked at Nawindang Sa Ginawa Ni Kim Chiu

Huwebes, Hunyo 16, 2022

/ by Lovely

Si Jhong Hilario ang tinaguriang sample king sa It's Showtime. Dahil sa husay nitong sumayaw at magtumbling.

Humiling ang mga It's Showtime hosts na magsample sina Jhong at Kim Chui ng kanilang pang malakasang sayaw. Unang nagpa-unlak si Jhong. Lahat ay bumilib dahil sa walang kupas na galing nito sa pagsasayaw.

Kasunod nito, si Kim naman ang nagpakitang gilas. Sa kagustuhang maungusan si Jhong sa dance floor. Nagheadstand ang chinita princess. 



Ikinawindang ng kanyang mga kasamahan ang pagtatangka nitong magheadstand. Dahil nasubsub ito ng kaunti. But, the show must go on 'ika nga.

Agad namang lumapit ang mga co-hosts ni Kim matapos ang kanyang performance para tulungan siya. Samantala, maging si Kim ay tawang-tawa sa kanyang ginawa.

Tanong naman ni Ogie Alcasid, kung ano nga ba ang gustong gawin ni Kim?

"Mahirap pa lang ibeso ang dance floor," pagbibiro ni Jhong.

Umani naman ang ginawang ito ni Kim ng samu't saring komento mula sa mga netizens. May mga natatawa sa ginawang niyang epic fail headstand.

Samantala, ibinahagi naman ni Kim ang screenshot ng pagtumbling ni Jhong. Iyon sana umano ang gagawin niya.

 Sa kanyang kagustuhang mapasaya ang mga madlang people kahit hindi niya alam ay pilit niya itong ginawa. Kahit na, medyo sumablay. Tawang-tawa lang din naman si Kim sa ginawa niya.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo