Juan Ponce Enrile isinugod sa ospital matapos mahawaan ng Covid-19 sa edad na 98.
Incoming Presidential Legal Council Juan Ponce Enrile ay nagpositibo sa Covid-19. Ito ang kanyang inanunsyo noong Lunes, June 27. Ito ang magiging dahilan kung bakit hindi siya makakadalo sa oath taking ng mga bagong halal na Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas sa darating na June 30.
Siya umano ay nagpositibo sa Covid-19 at kasalukuyang nasa Hospital. Hindi umano ito kaagad makakalabas sa pagamutan dahil kailangang tapusin pa nito ang kanyang medications.
Nakapagbigay naman umano na siya ng mensahe sa Executive Secretary ni Incoming President Bongbong Marcos at nakapag-alam na excuse muna siya sa nasabing oath taking.
Samantala, may mensahe rin si Enrile sa kanyang mga kritiko, na maaring nagdiriwang sa kanyang pagkakasakit. Ayon kay Enrile, huwag muna umano silang magdiwang dahil hindi pa siya mamamatay. Sabi nga ng ilan, pinakamatatag siya sa mga matatag.
Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na isinugod si Enrile sa ospital ngayong taon. Noong buwan ng Mayo, siya ay naconfine sa hospital ng walong araw dahil sa Severe Pneumonia. Mabuti na lamang agad umano siyang naagapan at nailigtas sa pamamagitan ng high dosage ng antibiotics.
Sa kanyang edad, mabilis siyang tamaan ng mga sakit kaya naman pinayuhan siya ng mga doctor na mag-ingat palagi at pangalagaan ang katawan lalo na't may katungkulan siya sa gobyerno bilang Presidential Legal Council.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!