Julia Umamin Na Nga Ba Sa Kanyang Pagbubuntis?

Huwebes, Hunyo 23, 2022

/ by Lovely

Muli na namang naungkat ang chika tungkol  sa umano'y pagbubuntis ng Kapamilya star na si Julia Montes. May mga netizen na nakapansin na tila malaki na umano ang tiyan ng aktres at palaging may takip ang tiyan nito sa mga larawan.

Kaya naman isa ito sa naging topic sa show nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa Showbiz Now Na. 

Pagbabahagi ni Cristy, una itong naging usap-usapan matapos mapansin ng mga netizens ang tiyan ni Julia sa teleserye nitong Ang Probinsyano. Sinundan naman ito ng ilang mga post ni Julia na madalas ay may takip ang tiyan.

"Yang ingay ng pagdadalang tao na 'yan, noong lamay ni Manang Inday Susan Roces," pag-uumpisa ni Cristy.

"Nagpunta po lahat mga ka-chika ang mga staff crew at mga artista  ng Ang Probinsyano sa lamay. Nagkaroon ng eulogy wala si Julia Montes, hinanap siya ang dahilan na lumabas, ay bawal sa lamay ang mga buntis." pagpapatuloy nito.

Ayon pa kay Cristy Fermin, hindi naman bago ang isyung ito kina Julia at Coco. Matatandaang noong 2019 kumalat ang balitang nagbubuntis si Julia. Ngunit, hindi ito inamin ng huli.

Nagalit pa umano ang mga ito kay Cristy Fermin dahil sa detalyado niyang pagsusulat sa pagbubuntis umano nito sa panganay nila.

Napag-usapan din nila ang ilan sa mga celebrities na todo deny noon sa mga anak nila na later on ay inamin naman sa publiko sa huli.

"Aminin na ang dapat aminin mahirap maging sorry sa darating na araw. Ang punto ko, ating aminin ang  kung totoo, i-deny kung walang katotohanan," sabi ni Cristy.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo