Just in! Karla Estrada Nakatikim Ng Maaanghang Na Salita Kay Vice Ganda at Sharon Cuneta!

Martes, Hunyo 21, 2022

/ by Lovely

Happy and thankful ang TV host-actress na si Karla Estrada dahil nagbunga ang pag-leave niya sa kinabibilangang morning show na Magandang Buhay at ang effort niya nitong nagdaang eleksyon.

Nananalo ang sinusuportahan niya, ang Tingog Party-list. Si Karla Estrada ang third nominee ng nasabing party-list.

Pormal na ipinoklama ng Commission on Elections ang mga nagwaging party-list noong May 26. Kasama na rito ang sinusuportahang party-list ni Karla Estrada. Labis-labis ang pasasalamat ng aktres sa natamong achievement.

Pahayag ni Karla sa kanyang Instagram, 

Mapagpalang gabi po sa inyong lahat. Muli, gusto ko pong magpasalamat sa inyo dahil Wala po akong mapagsidlan ng saya sa nakamit na Tagumpay ng aming Partylist, ang TINGOG.


Bagama’t hindi umabot sa akin ang pangatlong seat , kaya Hindi po ako maaaring tawagin na congresswoman.. nakakahiya po!🤭😄🙏🏻 ngunit ganon pa man, nasa top 3 po ang Tingog sa mahigit 50 na nanalong partylist!🙏🏻

Ang Tingog ay May 2 seats po.. Sa pangunguna ni
Congresswoman Yedda Romualdez at sinundan ni
Congressman Jude Acidre.

Ako po ay mananatili na kasama ng Tingog Bilang isa mga Boses po ninyo katulad ng aking ipinangako .

Ang tagumpay ng Tingog ay Tagumpay din po ninyong lahat! Salamat sa Tiwala at pagmamahal nyo po sa amin. Mabuhay kayong lahat mga Ka-Tingog! We Love You 🙏🏻"

Samantala, dalawang seats lamang sa congress ang nai-secure ng boto na nakuha ng Tingog Party-list. Dahil siya ay pangatlong nominee, hindi siya mabibigyan pwesto sa congress. Gayunpaman, hindi man siya pinalad na mapabilang sa Congress, nangangako naman si Karla na ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang public service.

Nagpaabot naman ng pagsuporta ang kanyang mga fans at ilang mga celebrity friends kagaya nina Karen Davila, Gelli De Belen, Ruffa Gutierrez at Candy Pangilinan. Ngunit tila bingi at walang nababalitaan ang kanyang Bestie na si Vice Ganda.

Matatandaang lahat ng mga kakilala ni Vice Ganda na tumakbo ngayong halalan ay binati nito sa pagkapanalo. Nitong nakaraang linggo sa episode ng It's Showtime sa segment na Sexy Babe, nasambit ni Vice na makakapal ang mukha ng mga nanalong hindi naman umano marunong lumaban.

Tila may pinatatamaan at pinasasaringan umano rito si Vice. Tila ang tinutukoy niya umano rito ay sina Toni Gonzaga at Karla Estrada. Kung saan nanalo ang mga sinusuportahan nilang mga kandidato.

Matatandaang solid supporter ng UniTeam sina Toni Gonzaga at Karla Estrada. Nakatikim sila ng pambabatikos mula sa halos lahat ng artista sa Kapamilya Network.



Isa rin sa mga hindi nagpaabot ng pagbati para kay Karla ay ang Megastar na si Sharon Cuneta. Si Sharon Cuneta ay ang asawa ni Kiko Pangilinan na natalo sa Vice Presidential race sa nagdaang halalan.

Matatandaang binatikos noon si Karla sa pagiging Third Nominee ng Tingog Party-list. Kung saan ang first nominee ay si Cong. Yedda Romualdez na isa sa mga congresswoman na bumuto upang maipasara ang kanilang home network, ang ABS-CBN.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo