Kris Aquino tuluyan ng namaalam sa kanyang mga mahal sa buhay, mga kaibigan at mga followers sa social media dahil matutuloy na ang pagpunta niya sa America upang doon ipagpatuloy ang pagpapagamot sa kanyang mga sakit. Matagal-tagal din siyang mawawala sa bansa.
Matatandaan na noon pa dapat nagtungo ang Queen of all Media sa America upang magpagamot. Ngunit hindi natuloy dahil sa mga complications.
Araw ng Byernes, June 3 ay muling nagbigay ng update si Kris Aquino sa kanyang mga followers sa social media.
Ipinost ni Kris ang isang maikling video kalakip ang caption na natuloy na sa wakas ang matagal niyang plano na magtungo sa America upang ipagamot ang kanyang mga sakit.
Ibinahagi rin ni Kris na idinetalye na ng kanyang mga doctors kung ano ang sanhi ng mga karamdaman niya.
Sa ngayon, ayon kay Kris oras ang kalaban niya upang maagapan ang sana'y hindi pagkasira ng kanyang mga blood vessels. Umaasa si Kris na makayanan ng kanyang katawan ang matinding pagsubok na kinakaharap.
Masaya naman si Kris na kahit ilang oras silang babyahe ng mga anak niyang sina Bimb at Josh. Nabuhay ang kanyang pag-asa na gumaling sa kanyang sakit.
Nagpasalamat rin si Kris sa lahat ng nagdasal para sa agaran niyang paggaling.
Narito ang mensahe ni Kris,
Not a long caption:
Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal for my recovery. Here’s the TRUTH as explained by my attending physician Dr. Niño Gavino, an exceptional Filipino American doctor based in Houston who successfully diagnosed what’s really wrong with my health.
I’ll miss you- my friends & followers very much. Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart.
so many people to thank but I choose to do that privately.
For now and the next few years- sadly, it’s goodbye. Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok.
kahit 17 hours away na kami nila kuya josh & bimb to fly to & the Pacific Ocean separates the 🇵🇠from 🇺🇸, i’d still like to end this with love
Awit 23 1-6.... Ang Diyos ang aking gabay hinde niya tayo pababayaan........ God bless ate krizzy!
TumugonBurahin