Kapamilya Actress Gusto Ng Mamatay Dahil Sa Pangyayaring Ito!

Miyerkules, Hunyo 15, 2022

/ by Lovely

Trending at usap-usapan ngayon sa social media ang baguhang Kapamilya actress na si Bianca De Vera. Marami ang nagulat, naawa at ang iba nama'y natawa na lang sa Tiktok video na ibinahagi mismo ni Bianca sa kanyang account.

Umiiyak niyang ikinuwento ang pinagdaanan niya kamakailan lamang. Sa isang selfie video, ibinahagi ni Bianca ang pagkaka-tow ng kanyang sasakyan dahil umano sa maling pagparking. Ipinakita din ni Bianca ang dokumentong nagpapatunay ng kanyang paglabag dahil sa maling pagkakapark ng kanyang sasakyan.

Tila hindi ang pagkakahatak ng kanyang sasakyan ang iniyakan ni Bianca kundi ang naudlot nitong pagpapaayos ng buhok. Hindi na umano pantay ang pagkakaayos ng kanyang buhok. Nabanggit pa ni Bianca na gusto na niyang mamatay dahil sa nangyari.

Umani naman ng million views at samu't saring reaksyon ang nasabing video. Karamihan ay natawa na lamang.

Si Bianca De Vera ay baguhan pa lamang sa showbiz. Parte siya ng teleserye ng KathNeil na 2 Good 2 Be True kung saan ginagampanan niya ang papel ng kapatid ni Kathryn Bernardo. Active din si Bianca sa paggawa ng Tiktok Videos kung saan karamihan ng kanyang mga content ay umaabot sa million views.



( Hide )

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo