Simula nang pumanaw ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces, hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon ang kapatid ni Susan na si Rose Marie Sonora, ina ni Sheryl Cruz na naninirahan sa America.
Hanggang ngayon, ay nagdadalamhati pa rin si Rose Marie dahil halos araw-araw sila nagtatawagan ng kanyang Ate Susan bago ito pumanaw. Marami umano itong bilin sa kanya bago namayapa.
"Nakakalungkot isipin na wala na si Ate Susan."
May inamin rin si Rose Marie Sonora na may alam umano siya sa mga nilalaman sa Last Will and Testament ng namayapang kapatid na si Susan Roces.
Ayon kay Rose Marie, nirerespeto niya ang desisyon ng kanyang ate at alam naman niya kung gaano nito kamahal ang anak na si Grace Poe. Ibinilin din umano sa kanya ng kapatid na gabayan si Grace.
Alam naman ng lahat na sobrang mahal ni Susan Roces si Grace Poe at itinuring itong tunay na anak. Kaya tama lang na si Grace Poe ang magmamana sa lahat ng mga naiwang ari-arian ng kanyang inang si Susan Roces.
Si Susan Roces ay kilala bilang isa sa mga napakagaling umarte sa mundo ng showbiz. Tinagurian itong Queen of Philippine Movies dahil sa kanyang husay at galing. Siya ang paboritong leading lady ng mga batikang aktor. Hanggang nakapareha niya ang King of Philippine Movie na si Fernando Poe Jr. na nakatuluyan at nagpakasal sila noong taong 1968.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!