Karla Estrada Hindi Inalis Sa Magandang Buhay Kundi Hindi Na Ito Nagbalik Ang Dahilan Daw Alamin

Huwebes, Hunyo 30, 2022

/ by Lovely

Tila kumpirmado na, na pinili ni Karla Estrada ang pagtigil at hindi na bumalik bilang host ng Magandang Buhay.

Ayon sa kumakalat na mga balita, mas ninanais muna umano ni Karla Estrada ang pagseserbisyo sa bayan.

Matatandaang naging paksa ng usapan nina Ogie Diaz sa kanilang vlog ang umano'y choice ni Karal. Ayon sa kanilang usapan, si Karla Estrada ay mas tututukan ang programa ng Tingog Party-list.

Subalit, ang ipinagtataka ng ilang mga netizens, third nominee lamang si Karla, kaya wala siyang seat sa congress.

Ayon naman kay Ogie, mukhang mabibigyan ng posiyon sa pamahalaan si Karla nang maka-usap nila ito sa birthday party ng isa sa mga ABS-CBN heads. Possible umano na mabigyan ng pwesto ang dating host ng Magandang Buhay sa Department of Tourism bilang USec o Asec.

Tanong naman ng ilan, "Bakit kailangang iwan ni Karla ang morning talk show?"

Sagot naman ni Ogie, "'Yan ang dapat alamin kay Momshie Karla. Siguro ay nakakaapekto na rin ang bagong bihis ng Magandang Buhay, mula ng maging guest host sina Regine Velazquez at sa ngayon na si Judy Ann Santos.



Samantala, wala pang pahayag si Karla Estrada hinggil sa rebelasyon ni Ogie Diaz. Makikita sa latest update ng aktres-host ang paghahanda niya sa gagampanan niya role sa pelikulang Maid in Malacanang.

Tila handang-handa na si Karla na gampanan ang papel ni Yaya Santa ang all around maid ng Malacanang.

Ang Maid in Malacanang ni Direk Darryl Yap ay mapapanood sa July 2022.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo