Katotohanan Sa Pagkakalabuan Ng Relasyon Nila Ogie Alcasid at Regine Velasquez! Alamin!

Miyerkules, Hunyo 15, 2022

/ by Lovely

Sunod-sunod ang balitang hiwalayan ngayon ng magkarelasyon sa showbiz at talagang napakalaki ng impact nito sa mga netizens. Kaya naman kahit ang ibang celebrity couples na masaya naman with their love life ay nadadamay sa mga hiwalayan issues na ito.

Isa sa mga celebrity couples na nadadamay sa isyung hiwalayan at pagkakalabuan ay ang relasyon nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

May mga kumakalat na balitang dumadaan sa matinding pagsubok ang relasyon ng mag-asawa ngayon dahilan upang magkalabuan ang dalawa. Nahahalata umano ng ilan na napapadalas ang pagtatalo ng mag-asawa.

Komento pa ng ilan, na hindi imposible na susunod ang dalawa sa mga naunang couples na naghihiwalay.

Agad namang nakarating sa mag-asawa ang balitang ito. Agad ding binigyang linaw ni Ogie Alcasid ang nasabing isyu. Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Ogie ang larawan nila ng kanyang asawang si Regine Velasquez.

Sa nasabing post, nagbigay ng pahayag si Ogie Alcasid tungkol sa isyung nagkakalabuan na sila ng asawa.

"I have read some tweets about my wife and I having marital problems. For the record, wife and I are so much inlove with each other," pahayag ni Ogie Alcasid.

Nilinaw mismo ni Ogie Alcasid na hindi sila nagkakalabuang mag-asawa. Bagama't minsan ay nahaharap sila sa pagtatalo pero hinding hindi nawawala ang pagmamahal nila sa isa't isa. Kaya naman lalong tumatatag ang kanilang pagsasama.

Ikinasal sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez noong December 2010. Biniyayaan sila ng isang anak. Sa sobra dekada nilang pagsasama makikita ang mga bagay na labis na pinagkakasundan at pagkakapareho nila. 

Bukod sa parehong talento at hilig nila, pareho rin silang may jolly personality. Dahilan upang mas nagiging compatible sila. 

Marahil, may pagkakataon ding nahaharap sa hindi pagkakaunawaan pero mas matimbang pa rin para sa kanila ang pagmamahal sa isa't isa. Kaya naman, agad nilang naaayos ang anumang gusot sa pagitan nila.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo