Kdlex Update! Judy Anne Santos at Melai Cantiveros Kinilig Sa Sagot Nina Alexa Ilacad at Kd Estrada

Biyernes, Hunyo 24, 2022

/ by Lovely

Sa naging guesting kanina nina KD Estrada at Alexa Ilacad sa Magandang Buhay, hindi napigilan ng mga host lalong-lalo na sina Judy Anne Santos at Melai Cantiveros na kiligin sa dalawa.

Matapos magpakatotoo ng dalawa sa feelings nila para sa isa't-isa. Unang tinanong si KD Estrada, kung ano ang intensyon niya kay Alexa Ilacad. Sagot ni KD, gusto niyang maging transparent kay Alexa at sa sagot niya sa tanong. Walang paligo-ligoy na sagot ni KD,

"I wanna be with you."

Dahil dito, naghiyawan sa kilig ang marami, maging si Alexa ay kilig na kilig rin.

"Nandito ako ngayon para ibigay ko sayo ang best. I want to give you what you deserve," dagdag pa ni KD.

Samantala, ang tanong naman kay Alexa, ay kung masaya nga ba siya kay KD at kung paano siya napapasaya nito. Sagot ni Alexa, 

"Oo, masaya ako kay KD and I think this is my happiest. All the ways napapasaya niya ako, maliit o malaking bagay man 'yan. Napapasaya ako ni KD."

Marami umano ang nabago sa buhay ni Alexa simula noong dumating si KD sa buhay niya. Tila si KD umano ang tugon sa mga pinangarap ni Alexa Ilacad. 

Tila naging emosyunal naman si KD sa naging sagot ni Alexa. Tila naisip ni KD na naibigay niya ang deserved ni Alexa Ilacad.

Komento namaan ni Judy Anne, napaka genuine umano ng relasyon ng dalawa. Napatanong din si Judy Anne kung may relasyon na ba ang dalawa dahil sa tinginan nila.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo