KILALANIN Tunay na GIRLFRIEND ni Sandro Marcos na isang BAGUHANG AKTRES sa Industriya ng SHOWBIZ!!

Martes, Hunyo 21, 2022

/ by Aya Browse


Kinomperma na ng kampo ng baguhang sexy actress slash singer na si Alexa Miro, na boyfriend nito ang presidential son at Congressman ng Ilocos Norte na si Sandro Marcos. At ayon pa sa mga sources ay last year pa ang relasyon ng dalawa.
Nagviral kama-kailan lang ang lovelife ng Ilocos Norte Congressman, Sandro Marcos. Matapos makunan sa facebook live video ni Senator Bong Revilla ang pag-amin ni Sandro na siya ay may kasintahan na. 
Mapapanood sa naturang video si Sandro na nakikipag-kamay kay Bacoor City Mayor, Lani Mercado Revilla. Nagkaroon sila ng kaunting kwentuhan. 

Sabi ni Mayor Lani, "Hello Sandro! Ang girlfriend mo pala is taga-Tacloban? Na-kwento ni Bryan sakin." 

Sagot ni Sandro, "Yes po! Pero atin-atin lang yan ha." 

Biniro naman siya ni Senator Bong Revilla habang tumatawa. Anito kay Sandro, "May sekreto ka ha." 

Ito na ang nag-udyok sa mga netizens para alamin kung sino ang babaeng nagpapa-tibok sa puso ni Sandro. 
Magmula nang makilala ng publiko si Sandro Marcos, ay marami ng kababaihan ang na-obsess sa 28-year-old politician at marami din sa kanila ang curious kung sino ang babaeng nagpapatibok ng puso niya ngayon. 
Kabilang sa mga pangalang nabanggit ay ang sumisikat na sexy star na si Alexa Miro. Naglabasan na rin online ang mga pictures nila ni Sandro. 


Sa isang episode ng Lunch Out Loud kung saan isa sa mga host si Alexa ay biniro siya ni Billy nang mag-comment siya sa isang segment, saying wala pa siyang asawa. 

Sagot ni Billy Crawford kay Alexa, "Wag ka nga diyan Alexa! Last name mo Marcos." 



Ngunit sino nga ba si Alexa Miro? Ang babaeng tinuturong girlfriend ng presidential son at Congressman ng Ilocos Norte na si Sandro Marcos. 


Si Alexa ay naga-artista na mula pa noong siya ay tatlong taong gulang pa lamang. Mula sa pagiging sweet at lovely 3 years old na lumalabas sa mga commercials, ngayon ay lumilikha na ng kanyang pangalan sa industriya. 
Isa ang 26-year-old star sa itinuturing most promising actresses sa telebisyon at pelikula. Nakilala rin siya sa mapangahas niyang pagganap sa pelikula ni Erik Matti na A Girl and A Guy. 
Regular host siya ngayon ng noontime variety show na Lunch Out Loud, kasama sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, KC Montero, K Brosas, at Bayani Agbayani. 
Gaya ng mga normal na kabataan ngayon, mahilig din magpost sa social media si Alexa, at makikita sa kanyang IG account na madalas siyang magbahagi ng mga larawan na kuha sa kanyang mga bakasyon. 
Ayon sa kampo ni Alexa, November 2021 pa ang relasyon nila ni Sandro. Pero mas gusto raw ng magkasintahan na tahimik lang ang kanilang relasyon, kaya hindi sila ganoon ka open sa social media, mas tahimik daw at less intriga. 


Nung nakaraang eleksyon daw ay tumulong din si Alexa sa pangangampanya ni Sandro dahil magaling itong kumanta.
Ngayon daw at kararating lang nilang dalawa galing sa Europe vacation at masaya umano sila sa kanilang naging bakasyon.
Akala ng iba kay Barbie Imperial nali-link si Sandro, dahil sinasabi ng aktres na close silang dalawa. 
Sa kasalukuyan, si Sandro at Alexa ay wala pang diretsahang pahayag tungkol sa kanilang relasyon. Ayon sa source ay  mas pinipili ng dalawa ang tahimik na buhay, malayo sa social media. 
Lalo pa't mayroon din umano, ang hindi boto sa relasyon nilang dalawa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo