Kitty Duterte Official Endorser Na Ng Isang Beauty Product

Miyerkules, Hunyo 15, 2022

/ by Lovely

Muling napukaw ng presidential daughter na si Kitty Duterte ang pansin ng marami dahil sa taglay niyang kagandahan.

Mula nang makilala si Kitty sa social media, marami na ang nabighani sa napakaganda niyang itusra. Artistahin nga daw ang anak ni Pangulong Duterte at pwedeng pwedeng sumabak sa showbiz.

Kamakailan nga lamang ay agaw atensyon muli ang angking kagandahan ng dalaga. Ito ay nang official na siyang endorser ng isang beauty product.

Sa Instagram post ng CEO ng naturang produkto, ipinagmalaki nito na bahagi na ng kanilang kumpanya si Kitty. At ipinakilala niya sa madla na ito na ang pinakabagong endorser nila.

Aniya, “As the leading skincare brand here in Davao City, we are honored to welcome you to our Fairy Doll Family. The new ambassadress of Fairy Doll, Ms. Veronica “Kitty” Duterte!”
Kalakip nito ang ilang larawan kuha sa kanilang contract signing.

Ilang larawan din ng dalaga ang ibinahagi sa Facebook na inulan ng paghanga mula sa netizens.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo