Kris Aquino Buto't Balat Na Sa Sobrang Payat. Grabe Ang Pinagdaanan Sa Us Dalawang Anak Nadamay Pa!

Huwebes, Hunyo 30, 2022

/ by Lovely

"Paalam, hanggang sa muli nating pagkikita."

Ganito winakasan ni Kris Aquino ang kanyang napakahabang open letter para sa kanyang yumaong kapatid, ang dating pangulo ng Pilipinas na si Noynoy Aquino.

May kalakip na video ang nasabing sulat. Makikita naman sa video na lalong pumayat si Kris Aquino at tila buto't balat na lamang ito.

Nagmistulang bata si Kris na nagsusumbong sa kanyang kuya sa liham nito para kay Noy. Sinabi ng Queen of All Media sa sulat ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya ngayon. Ikwinento rin ni Kris sa nasabing sulat ang mga updates sa kanyang pagpapagamot sa US.



Naibahagi rin ni Kris ang isang nakakalungkot na pangyayari, tinamaan ng Covid-19 ang panganay niyang anak na si Josh. Ang mas nakakalungkot ay hindi niya ito maaaring lapitan. Sa kabila ng pag-iingat nagpositibo rin si Kris sa Covid-19 sumunod naman ang isa pang anak ni Kris na si Bimby. Nangyari umano ito ilang araw bago ang death anniversary ng dating pangulong Noy.

Pagbibiro pa ni Kris, hindi naman siguro nanaisin ng kanyang kapatid na magkakapareha ang death anniversary nila. Sa kabila naman nito, nagmamakaawa si Kris sa kanyang yumaong kapatid na gabayan at tulungan siyang malampasan ang lahat ng pinagdadaanan niya ngayon. Dahil siya na lamang ang mayroon para sa kanyang mga anak.

Inamin din ni Kris na mahabang gamutan ang kailangan niya at iisa lang ang pag-asa niya. Gayunpaman, gagawin niya ito, isang uri ng chemotherapy. Kapag kinaya niya ang komplikasyon, aabutin umano ng 8 weeks ang gamutan niya. 4-5 months na pahinga at isa uling chemotherapy.

Batid umano ni Kris na maraming pinagdadaanan ang lahat ngayon, at ayaw na niyang maging pabigat pa. Kaya naman, nagpaalam na muna siya, ito na umano ang huling maririnig mula sa Queen of all Media. Ngunit nangangako si Kris na ipapaalam niya kung sakaling hindi na niya kaya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo