Kumpirmado! Karla Estrada, Marami Nalungkot, Melai at Jolina Magandang Buhay

Biyernes, Hunyo 24, 2022

/ by Lovely

Cryptic post ni Momshie Karla Estrada sa Instagram kasama sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal palaisipan ngayon sa mga netizens.

Magbabalik nga ba sa programang Magandang Buhay o tuluyan na siyang mamamaalam?

Ibinahagi ni Momshie Karla Estrada ang litrato nila ng kapwa Magandang Buhay hosts na sina Momshie Melai at Momshie Jolina na mukhang kuha mula sa set ng nasabing morning talk show.

Marami sa mga netizens lalo na ang mga tagahanga at tagasubaybay ng Magandang Buhay ang natuwa sa napipintong pagbabalik ng Momshie host matapos ang pansamantalang pag-alis dahil sa halalan. Subalit, palaisipan din sa lahat kung huling episode na ba ito ni Karla Estrada dahil sa cryptic caption niya.

"Happy to see you my momshies. Ang pamamaalam... Abangan..," post ni Karla na naka-tag pa kina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Sa comment section, nagreact naman si Melai Cantiveros sabi niya. "Hayaaaan naa."

Sagot naman ni Karla, "Hahaha Ayan naa."

Nagkomento rin ang ilang mga celebrity kagaya nina Ogie Alcasid at Sunshine Cruz. Kaya naman tanong ng bayan magbabalik, Magandang Buhay na nga ba si Momshie Karla Estrada o tuluyan na siyang mamamaalam dito kagaya ng sinabi niya sa caption.

Matatandaang, naging isyu ang pagtakbo ni Karla sa halalan sa ilalim ng Tingog Party-list. Matatandaan na ang first nominee nito ay isa sa mga bumuto upang tuluyang hindi mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Isa pa si Karla ay maka-UniTeam habang sina Jolina at Melai naman ay parehong Kakampink.

Si Asia's Songbird naman na si Regine Velasquez ang pansamantalang humalili kay Momshie Karla. Ngayong, busy si Regine sa concert nila ng Megastar Sharon Cuneta kaya si Judy Anne Santos muna ang sumalang bilang host.

Naguluhan naman ang ilang mga netizens sa naturang IG post ni Karla Estrada. Hindi nila mawari kung babalik ba ito o mamamaalam na sa nasabing programa. 

 

( Hide )
  1. Syempre isa lang nman ang magiging dahilan non bakit hnd mo pinag laban Ang abs cbn dapwat kinalaban mopa ,,hnd k karapat dapat n maging isang pamilya ,,kc Ang pamilya nag tutulongan nag mamahalan at nag dadamayan marami sa Inyong artista Ang hnd dapat manatili sa kapamilya network good bye and good luck sa bago mong magiging bhay sa totoo lang maswerte kn nga sa abs CBN kc don k makilala ng husto bilib nga sa network n yan Wala cl pina paboran na atista lahat pinasisikat nl kahitarami kio nagagampanan nl mag hati hati ng balabas sa tv pag natapos Ang iba iba nman ang pinapasok yong Iba cinasama sa dra kahit marami importante napapanuod cilang lahat yon Ang abs cbn thanks sa npaka saya qng network god bless you all 🙏🙏🙏 kapamilya network

    TumugonBurahin
  2. bagay sa inyo yan BELAT🖕🏻 dapat sa ABS CBN na yan burahin na sa balat ng telebisyon inapi ang mga ordinaryong manggagawa di ngbyad ng buwis may mga usapin sa tv plus di nyo iniicp un puro panlalamang sa mga Pilipino ang ginagawa tapos kyo proud pa BUW# KAY% NG INANG NY&🖕🏻🖕🏻🖕🏻 bagay sa inyo yan dapat sa inyo KALUSIN KALUSIN KALUSIN

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo