Kylie Padilla, Ibinahagi Kung Ano Ang Natutunan Niya Matapos Ang Hiwalayan Nila Ni Aljur

Martes, Hunyo 14, 2022

/ by Lovely


Nagbago na umano ang pananaw ni Kylie Padilla sa usapin tungkol sa love life. Bilang isang single mother, hindi umano madali ang kanyang pinagdadaanan lalo't lumalaki na ang kanyang mga anak.

Ngayon ay may peace of mind na siya matapos dumaan sa mga pagsubok. Ang pagkasira ng kanyang pamilya, ang paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica.

Na-appreciate ng aktres ang buhay at pagtatrabaho para sa kanyang mga anak. Alam na umano ni Kylie ang purpose niya sa mundo.



Inamin din niya na bumalik siya sa zero nang maghiwalay sila ni Aljur.

"Nawalan din ako ng self-esteem, lahat. Nawasak lahat so I have to build from ground up while raising my two kids. Hindi madali iyon," sabi ni Kylie.

Kasalukuyang nakikipagdate umano ngayon si Kylie. May mga nagpaparamdam pero alam umano niya ang mga priority niya at ito ay ang kanyang mga anak at ang sarili niya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo